Rayver super yummy pa rin kahit pawis na pawis | Bandera

Rayver super yummy pa rin kahit pawis na pawis

Ervin Santiago |May 22,2016
facebook
share this

Rayver super yummy pa rin kahit pawis na pawis

Ervin Santiago - May 22, 2016 - 02:00 AM

rayver cruz

TODO ang suportang ibinigay nina Gerald Anderson at Sam Milby sa kaibigan nilang si Rayver Cruz sa launching ng debut dance album nito kamakalawa ng gabi sa Urbn Bar sa may Timog, Q.C. Pinatunayan muli ni Rayver na hindi lang siya magaling na aktor at dancer sa launching ng kanyang “What You Want” album, kundi maipagmamalaki rin niya sa madlang pipol ang kanyang boses.

In fairness, nag-enjoy ang lahat ng present sa mini-concert na inihanda ni Rayver para sa entertainment press at sa kanyang mga kaibigan in and out of showbiz, kabilang na nga riyan sina Sam at Gerald na mga co-producers din ng album, along with talent manager Erickson Raymundo ng Cornerstone Music.

Nagpiyesta rin ang mga girls and gays sa hunky body ni Rayver na ang seksi-seksi sa stage habang super sing and dance ito with the G-Force Dancers. Sabi nga ng isang beki nating colleague, kahit daw pawis na pawis na si Rayver ay ang yummy-yummy pa rin daw nito.

Simula pa lang ng show ng Kapamilya singer-actor ay hataw na agad ito kaya naman nakikanta at nakisayaw na rin ang audience sa kanya. Pero mas lalong nag-init ang dancefloor nang kantahin na ni Rayver ang version niya ng “Hataw Na” ni Gary Valenciano. Kuwento ng binata, talagang nagpaalam daw siya kay Mr. Pure Energy para i-revive ang nasabing kanta.

Kinanta rin ni Rayver ang title ng album na “What You Want” (composed by King of R&B Jay-R) at ang version niya ng “Kasayaw” ng OPM singer na si Archie D. Mapapakinggan din sa album ang carrier single na “Bitaw” na isinulat ni Jonathan Manalo na may English version din titled “Let It Loose” featuring the Queen of R&B Kyla. Nandito rin ang impressive songs na “Only Cuz I Care” at “Dance The Night Away” na siyang naging daan para mabuo ang dance album ni Rayver.

Ito raw kasi ang kantang ipina-record nina Sam at Gerald kay Rayver na ipinarinig nila sa kanilang mga kaibigan at kakilala. Wala raw nakahula sa mga ito na si Rayver ang kumakanta sa recording. Pero gandang-ganda raw ang mga ito sa boses ng kumakanta.

“Actually, to be honest, oo, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako naninibago na ang pino-promote ko ngayon ay album. Pero at the same time, nakaka-excite dahil dream come true talaga ito for me. Excited na akong umikot sa mga mall and radio stations para sa promo ng album. And I like the idea that the public gets to see a different side of me naman,” ani Rayver.

Kahapon nagsimula ang mall tour ni Rayver, pinaligaya ng binata ang mga tao sa Star Mall Alabang. Available na sa mga record bar ang “What You Want” kaya gets na kayo ng kopya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending