Wish ng madlang pipol: Magkabalikan sana sina Bea at Zanjoe | Bandera

Wish ng madlang pipol: Magkabalikan sana sina Bea at Zanjoe

Reggee Bonoan |May 22,2016
facebook
share this

Wish ng madlang pipol: Magkabalikan sana sina Bea at Zanjoe

Reggee Bonoan - May 22, 2016 - 02:00 AM

zanjoe marudo

POSIBLE pa nga bang magkabalikan ang ex-couple na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo? Marami sa mga followers ng dalawang Kapamilya stars ang umaasa pa rin na magkakaroon ng second chance ang kanilang love affair.

Mas lalong natuwa ang kanilang mga fans nang makita ang isang litrato sa social media kung saan nakuhanan na magkasama ang dalawa sa isang event.

Ang nasabing photo ay ipinost ng Dreamscape promo manager na si Eric John Salut sa kanyang Instagram account. ito’y kuha pala sa birthday party ni ABS-CBN Chief Operation Officer for Broadcast Cory Vidanes last Friday.

Sa mga nakaraang interview kina Bea at Zanjoe, sinabi nilang naghiwalay sila nang maayos at nananatiling magkaibigan sa kabila ng pagkasira ng kanilang relasyon bilang magkarelasyon.

Kamakailan ay dinenay ni Bea na nagkakamabutihan na sila ng kanyang leading man na si John Lloyd Cruz, wala rin daw namamagitan sa kanila ni Paulo Avelino tulad ng nababalita. Sa pagkakaalam namin single pa rin si Bea.
Ang sabi naman ni Zanjoe, sa ngayon ay gusto muna niyang magpahinga sa pakikipagrelasyon. Naka-

focus daw ngayon ang kanyang atensiyon sa teleserye niyang Tubig At Langis kasama sina Isabelle Daza at Cristine Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending