Pilipinas nasa Pool D ng FIBA 3×3 World U18 Championships
MAPAPASABAK ang Pilipinas sa Pool D nang nakatakdang ganapin na 2016 FIBA 3×3 U18 World Championships sa capital city ng Kazakhstan sa harapan mismo ng Astana Opera House sa Hunyo 1-5.
Magkakasama sa Pool A ang defending champion at No. 1 ranked team Netherlands, Uruguay (No. 8), Slovenia (No. 9), Belgium (No. 16) at ang Egypt (No. 17).
Magkakagrupo naman sa Pool B ang Turkey (No. 2), China (No. 7), Andorra (No. 10), Argentina (No. 15) at ang Georgia (No. 18).
Ang Pool C ay bubuuin ng Romania (No. 3), Indonesia (No. 6), Italy (No. 11), Qatar (No. 14) at Kazakhstan (No. 19).
Magsasagupa sa Pool D ang Hungary (No. 4), Brazil (No. 5), New Zealand (No. 12), Pilipinas (No. 13) at ang panghuli sa ranking na Spain (No. 20).
Huling sumabak ang bansa sa torneo noong 2015 na binuo nina Richard Escoto, Michael Nieto, Ricci Paolo Rivero at Kobe Lorenzo Paras.
Bagaman hindi nagkampeon ang Pilipinas ay nanalo naman si Paras sa slam dunk contest noong isang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.