Loan Restructuing Program ng SSS | Bandera

Loan Restructuing Program ng SSS

Liza Soriano - May 13, 2016 - 03:00 AM

KASALUKUYANG ipinatutupad ng SSS ang kanilang Loan Restructing Program ( LRP)
Ito para sa mga miyembrong hindi nakakabayad ng calamity at short-term member loans na nakatira o nagtatrabaho sa mga calamity areas na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) o ng national government.

Isang taon itong ipatutupad na nagsimula nito lamang Abril 28.

Sa pamamagitan nito , maaaring linisin ng mga miyenbro ang kanilang hindi nabayarang loan principal at interes sa pamamagitan ng pagbayad ng buo o installment sa ilalim ng restructured term depende sa kanilang kapasidad na magbayad.

Tatanggalin ang multa ng SSS loan sa ilalim ng LRP.

Binibigyan ng pagkakataon ang mga delinkwenteng member-borrowers ng pagkakataong mabawi ang kanilang magandang rekord sa SSS at pakinabangan ng buo ang kanilang SSS benefits at loan privileges.

Halimbawa, maaaring i-renew ng mga borrowers ang kanilang SSS loan anim na buwan pagkatapos bayaran nang buo ang kanilang overdue na prinsipal at interes sa ilalim ng LRP.

Maaaring i-file ng mga miyembro ang kanilang LRP application sa kahit anong sangay ng SSS at i-monitor ang kanilang loan statement of account sa SSS website (www.sss.gov.ph).

Sakop ng LRP ang mga calamity loan borrowers noong 1990 dahil sa lindol at pagputok ng Bundok Pinatubo; gayundin ang mga miyembrong hindi nakabayad ng kanilang short-term member loans na nasa declared calamity areas pagkatapos tumama sa bansa ang bagyong Ondoy noong 2009; Sendong noong 2011; Pedring, Quiel at Pablo noong 2012; Labuyo, Maring, Santi, Yolanda at Agaton noong 2013; Glenda, Mario, Ruby at Seniang noong 2014; Lando at Nona noong 2015. Kasama rin ang krisis sa Zamboanga at lindol sa Bohol-Cebu noong 2013.

Maliban sa installment payments, maaari ring bayaran ng borrower nang buo ang kanyang outstanding principal at interest. Bayaran man ng buo o installment ang utang ay tatanggalin ng SSS ang multa pagkatapos bayaran ito.Sakop ng LRP ang short-term SSS loan programs katulad ng Salary Loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency Loan, Calamity Loan, Voc Tech Loan, Y2K Loan, Investments Incentive Loan, Study Now Pay Later Plan, at ang dating binibigay na Educational Loan, na siyang iba sa kasalukuyang Educational Assistance (Educ-Assist) Loan Program. Hindi naman sakop ng LRP ang Stock Investment, Privatization Fund and Educ-Assist loans.

Para makasali sa LRP, dapat ay hindi nabayaran ang utang sa SSS ng anim na buwan o higit pa.

Kailangan din ay nakatira o nagta-trabaho ang miyembro sa isang declared calamity area sa petsang naganap ang kalamidad na patutunayan ng Affidavit of Residency.

Diskwalipikado sa programa ang mga miyembrong nakatanggap ng kahit anong final benefit claim bago ang LRP availment period pati na din ang mga may kaso noon na nagtangkang lok

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Boobie Angela A. Ocay,
Vice-President for Member Loans Department
SSS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending