Alma sa walang awang bashers: Please, tigilan n’yo na po ako, bumagsak na…wag nang apakan!
GRABE talaga ang mga hinayupak na netizens na ito. Hindi na maganda ang pinaggagawa nila sa ilang mga celebrities natin kung minsan – akala nila palagi silang nakakatuwa tuwing nagpu-post sila ng mga gawa-gawang kuwento about their helpless victims.
Isa sa mga paborito nilang i-bully ng mga walang awang bashers na ito ay ang kaibigan nating si Ms. Alma Moreno. Nitong nakaraang eleksiyon, pinaglaruan nila si Ness, gumawa sila ng fake account ni Ms. Alma Moreno sa social media at kung anu-anong kalokohan ang pinapu-post nila that may just have affected her candidacy for Senator.
Hindi naman totoong sinabi ni Alma ang mga salitang “I’ve conceived” or “I have conceited” noong kasagsagan ng bilangan sa pagkasenador na ang tinutukoy nila ay “conceded”. Ganu’n nila kung ilarawan si Alma, pinalalabas nilang bobo ang kaibigan natin.
“Talo na nga tayo lalo pa nila tayong hinahamak. Masakit din sa akin siyempre. Actually, nakaka-stress sila. Pinaglalaruan na nila ako nang husto. Mabuti sana kung sinabi ko talaga iyon, pero hindi eh. Gawa-gawa lang talaga nila para lalo akong ipahiya.
“Masakit sobra pero pinasa-Diyos ko na lang. Sila na ang matalino, sila na ang pinakamatino. Ako na ang bobo, ako na ang masama. Iyon kasi ang gusto nilang palabasin kaya magsaya na sila.
“Please, tigilan na ho ninyo ako. Tama na iyon, kumbaga ang taong sobra nang bumagsak, wag nang apakan. Mabuti na lang at mababait ang mga anak ko. Pinayuhan ako ni Wyn na huwag na lang pansinin, nasasaktan kasi ang mga anak ko para sa akin. Kahit natalo ako sobrang saya ko naman dahil nanalo ang anak kong si Vandolph sa pagkakonsehal sa Parañaque.
“Hindi pa rin ako mawawala sa public service dahil tutulungan ko ang anak ko sa kaniyang posisyon.
Ayokong may masabi sila dahil pinagkatiwalaan nila ang anak kong maglingkod para sa kanila. Isa pa, masaya ako dahil marami rin ang bumoto sa akin. Nasa number 20 slot ako sa pagkasenador. Ibig sabihin, marami rin ang nagtiwala sa akin. Doon pa lang ay sobrang saya ko na. Para makapasok ka sa Top 20 ay isang malaking blessing na para sa akin.
“Kaya sa lahat ng nagtiwala ng kanilang boto sa akin, maraming-maraming salamat sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo,” ani Ms. Alma during our exclusive conversation with her sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM the other night.
Basta kami, forever ka naming mahal, Ness. Totoong tao ka kasi at sobrang bait at napakasipag. Hindi ka man pinalad this time sa Senado, mapalad ka naman sa pamilya at mga kaibigan. Mahal na mahal ka namin. I swear. Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.