Sara Duterte tinanggihan ang ama; ayaw maging First Lady | Bandera

Sara Duterte tinanggihan ang ama; ayaw maging First Lady

- May 10, 2016 - 08:17 PM

HINDI interesado ni Sara Duterte-Carpio, anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ngayon ay nakatitiyak na siyang susunod na pangulo ng bansa, na maging first  lady ng kanyang ama.

“I am not interested. I’ll be busy being a mayor,” ayon kay Sara, na magbabalik bilang alkalde ng syudad matapos tanghaling panalo sa katatapos lamang na halalan.

Nauna nang sinabi ng matandang Duterte na nais niyang si Sara ang maging kanyang First Lady kung sakaling manalo siya sa halalan.

Hiwalay na si Duterte sa misis na si Elizabeth Zimmerman, na ngayon ay nakikipaglaban sa Stage 3 breast cancer.

Kahit pa hiwalay na ang mag-asawa, sumama pa rin si Elizabeth sa Byaheng DU30, isang 30-day-on-a-bus campaign na ginawa sa Visayas at Mindanao.

Hindi rin naman masabi ni Honeylet Avanceña, ang common-law wife ngayon ng alkalde kung saan meron siya ritong 12-anyos na anak na babae, kung kaya niyang gampanan ang pagiging First Lady.

Sinabi naman ni Peter Laviña, spokesman ni Duterte na hindi naman makakaapekto sa trabaho ni Sara bilang mayor kahit pa siya ang gawing First Lady ng ama.

“Her role as First Lady will not be on a day-to-day basis,” ani Laviña.
“She’ll be there only during state dinners, state visits,” dagdag pa nito.

Pero nanindigan si Sara na ayaw niyang maging First Lady.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending