‘Because of You’ nina Carla, Gabby at Rafael sa GMA 7 may huling hirit pa sa tag-init | Bandera

‘Because of You’ nina Carla, Gabby at Rafael sa GMA 7 may huling hirit pa sa tag-init

Ervin Santiago |May 11,2016
facebook
share this

‘Because of You’ nina Carla, Gabby at Rafael sa GMA 7 may huling hirit pa sa tag-init

Ervin Santiago - May 11, 2016 - 02:00 AM

gabby concepcion

SIGURADONG mami-miss nina Carla Abellana, Iya Villania at Vaness del Moral ang isa’t isa ngayong patapos na ang kanilang GMA Telebabad series na Because Of You.

Bukod sa mga leading man ni Carla sa serye na sina Gabby Concepcion at Rafael Rosell, napalapit na rin ang aktres kina Iya at Vaness na gumanap na mga BFF niya sa kuwento. In fairness, talagang klik na klik sa manonood ang mga kalokahan nila bilang magkakaibigan sa Because Of You dahil marami ngang nakaka-relate na magbabarkada sa mga pinaggagagawa ng tatlong girls.

Anyway, nagpasalamat naman sina Carla, Gabby at Rafael sa lahat ng sumubaybay sa kanilang serye mula nang magsimula ito ilang buwan na ang nakararaan. Umaasa ang tatlo na muling silang magkakatrabaho one day after ng Because Of You.

Samantala, ngayong gabi sa pagpapatuloy ng kilig serye ng GMA, hindi pa rin masabi ni Rebecca kay Alex na hindi naman talaga si Albert ang boyfriend niya kundi si Oliver. Dumating naman sina Jaime, Oliver at Conrado, may nakapagsabing nasa CR sina Albert and Honey, sumugod doon ang tatlo.

Tinapatan ang cubicles na kinaroroonan nina Albert and Honey, handa nang tadyakan ang mga pinto to enter, may tubig pa sa tabo si Conrado na pambuhos kay Honey or Albert. Pero mali! Hindi naman pala sina Albert and Honey ang nasa loob ng cubicles kaya frustrated sina Jaime, hinanap pa rin si Andrea. Naipasok na ni Andrea sa isang mobile freezer si Feliza nang dumating sina Albert.

Isinama na nina Albert si Andrea, panay ang tingin ni Andrea sa truck-freezer dahil naroroon si Feliza. Nakiusap si Cheska sa daddy niya na tutulong sa paghahanap kina Andrea but Jaime told her to just be with her siblings.

Awang-awa sina Onat at Chandler kay Cheska na alalang-alala sa kanyang pamilya. Isinara na ng mga tauhan ng truck-freezer ang truck at walang nakakaalam na naroroon ang nanlalamig nang si Feliza.
Masama ang loob nito dahil nangako si Andrea na hindi siya pababayaan at babalikan siya nito, pero hindi naman pala matutupad.

Nag-confess na si Oliver kina Jaime and Conrado na siya ang boyfriend ni Rebecca at hindi si Albert. Nag-confess na rin si Rebecca kay Alex na si Oliver ang boyfriend niya at hindi si Albert.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending