Robin nag-post din ng balota sa social media, pero mga pro-Duterte dedma lang
IN hot water ngayon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla for a picture which showed them holding their ballot.
Ang daming nam-bash sa dalawa kasi bawal daw ‘yun during election time. But there were some defenders of the two who parried off the negative comments on social media.
One guy said, “Daming tanga, Hindi naman sa dinidefend silang dalawa pero, kakairita. Nakita ko HD pictures ng kay Kath, hindi pa naka shade yung balota nya, at yung kay Daniel nasa loob ng Folder. Mema lang talaga yung iba.”
Isang officer ng Comelec ang nag-tweet na gusto niyang makita sina Kathryn at Daniel dahil sa controversial photo nilang iyon.
Ang nakapagtataka, tila walang nag-react when Robin Padilla reportedly posted his ballot na shaded na which is talagang bawal.
Kaagad na binura ang post niyang iyon. Siguro ay may nakapagsabi sa kanyang bawal ang kanyang ginawa.
Pero lumabas pa rin sa social media ang shaded ballot ni Robin kaya wala siyang lusot. Ang tanong, maparusahan kaya si Robin? Kaya ba nilang ipakulong ang actor? At bakit parang dedma lang ang mga tagasuporta ni Duterte sa alleged violation ni Binoe?
May nabasa kaming rule na bawal gumamit ng cellphone o anumang electronic device sa loob ng presinto.
Given this rule, eh, marami palang nilabag ang ilang bumoto na kuha nang kuha ng photo using their cellcam sa ilang celebrities na bumoboto.
Reply, Reply All or Forward | More
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.