Mayoral bet sa Samar, kasama, sugatan sa ambush | Bandera

Mayoral bet sa Samar, kasama, sugatan sa ambush

|May 09,2016
facebook
share this

Mayoral bet sa Samar, kasama, sugatan sa ambush

- May 09, 2016 - 11:42 AM

CALBAYOG CITY, Samar— Sugatan ang isang mayoralty candidate at kasama nito matapos silang barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin Lunes ng madaling araw sa San Jorge, Samar.

Kinilala ang biktima na si Konsehal Lester G. Bisnar, 48 at Noel Javolin, 37, na ginagamot ngayon sa ospital dahil sa tama ng bala sa leeg.

Si Bisnar ay tumatakbong alkalde para sa bayan ng San Jorge sa ilalim ng Nacionalista Party habang si  Javolin ay isang magsasaka mula sa barangay Matalon nang nasabing bayan.

Ayon naman kay Senior Insp. Genaro Nabual, San Jorge police chief, nakilala ang mga suspek na sina Stephen Grey, Norman Bernales at Emmanuel Pacampara, base na rin sa pahayag ng mga testigo.

Pauwi ng kailang bahay ang mga biktima mula sa Catbalogan City habang sakay ng van nang barilin ng mga suspek na sakat ng motorsiklo alas 4:15 ng madaling araw sa barangay Antiana, San Jorge.

Madaling nagsitakas ang mga suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa eleksiyon ang pag-atake.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending