MAGSISIMULA na ngayong Feb. 4 ang isa sa pinakamalaking Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN for 2013 na tiyak na magpapainit sa gabi ng buong sambayanan, ang Apoy Sa Dagat, na pagbibidahan nina Angelica Panganiban, Piolo Pascual at Diether Ocampo.
Kuwento ng nag-uumapaw na pag-ibig, malaking sakripisyo at matinding panlilinlang, ang Apoy Sa Dagat ay sesentro sa buhay ni Serena (Angelica), isang dalagang napadpad sa isang isla at lumaki ng walang kahit anong naaalala tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.
Dahil sa kawalan ng pamilyang masasandalan, natagpuan ni Serena ang isang malibay na sandigan sa katauhan ni Ruben (Piolo) na kalauna’y bibihag sa kanyang puso.
Sa panahong akala niya ay wala nang hahadlang sa kanilang pag-iibigan, isang aksidente ang susubok sa tatag nina Serena at Ruben.
Anong kayang gawin ni Serena upang maisalba ang buhay ng lalaking pinakamamahal niya?
Ano ang magiging kaugnayan ng mayamang negosyanteng si Anton (Diet) sa buhay ni Serena? At ang pinakamalaking tanong sa lahat – sino nga ba si Rebecca (Angelica) sa buhay nina Ruben, Anton at Serena?
Nakita ko na ang trailer ng Apoy Sa Dagat at mukhang promising naman ang bagong series na ito gn ABS.
Mukhang intense ang mga eksena, lalo na ang mga kissings scene at love scene nina Angelica at Piolo.
Bukod kina Angelica, Diether at Piolo, bahagi rin ng cast sina Angel Aquino, Aiko Melendez, Sylvia Sanchez, Perla Bautista, Liza Lorena, Freddie Webb, Melai Cantiveros, Eric Fructuoso, Regine Angeles, Bryan Santos at Mikaela Ramirez.
May special participation din sa serye sina Nikki Gil, Empress at Patrick Garcia, sa direksiyon nina FM Reyes and Nick Olanka.
Ngayong Peb. 4 na magsisimula ang Apoy Sa Dagat, mapapaso ang buong sambayanan sa panlilinlang ng isang mukhang nagtataglay ng dalawang katauhan gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.