Kathryn tinanggap na si Jesus Christ bilang kanyang tagapagligtas | Bandera

Kathryn tinanggap na si Jesus Christ bilang kanyang tagapagligtas

Ervin Santiago - May 09, 2016 - 02:00 AM

kathryn bernardo

TULUYAN na nga bang tinalikuran ni Kathryn Bernardo ang pagiging Iglesia Ni Kristo? Kumalat kasi sa social media ang Instagram post ng aktres na si Marlann Flores tungkol sa pagtanggap ng rumored girlfriend ni Daniel Padilla kay Jesus Christ bilang kanyang tagapagligtas kaya ang naisip ng mga netizen ay nag-iba na ng relihiyon si Kathryn.

Isang litrato ang ipinost ni Marlann sa IG na may caption na: “[Kathryn] and Trina both received Christ today as their own and personal Savior! Praise be to God! This year has been fruitful already! Let’s proclaim God’s name with boldness and conviction.”

Ayon sa ilang followers ni Kathryn posibleng tumiwalag (o itiniwalag) na ang dalaga sa INC kaya biglang nabago ang paniniwala nito pagdating sa religion. May nagsabi pa na matagal na raw hindi miyembro ng INC si Kath dahil may mga bagay na itong nagagawa ngayon na bawal na bawal sa nasabing relihiyon tulad na lang ng pagse-celebrate diumano ng Pasko.

Bukod pa riyan ang pag-endorso nito kay dating DILG Sec. Mar Roxas. Kilala ang INC sa solido at united na pagboto tuwing eleksyon at kamakailan nga lang ay nag-anunsyo na ang pamunuan ng Iglesia na si Rodrigo Duterte at hindi si Mar ang napili nilang presidentiable.

Mabilis namang nilinaw ni Marlann na wala siyang sinasabing nagbago na ng religion si Kathryn, aniya, “They have their own faith and practices. I just shared them the Gospel.” Actually, matagal na talagang nababalita na hindi na miyembro ng INC si Kathryn, isang patunay dito ang relasyon nila ni Daniel.

Alam naman ng lahat na hindi pinapayagan sa nasabing relihiyon ang isang miyembro nito na nakipagrelasyon sa taong iba ang religion. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Kathryn tungkol dito.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending