Guhit ng palad: Anong kapalaran ang naghihintay kay Mar Roxas? | Bandera

Guhit ng palad: Anong kapalaran ang naghihintay kay Mar Roxas?

Joseph Greenfield - May 07, 2016 - 03:34 PM

mar roxas

KUNG minsan ang kapalaran ng mga Pinoy ay ibinabase sa kung anong guhit ng kanilang palad. Hindi man konkreto, pero may mga naniniwala. Kung kayat kinunan ng Banddera ng larawan ang mga palad ng apat na kandidato sa pagkapangulo, at ang isa ay hindi nagpaunlak, para mabasa at makita kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanila hindi lang sa usapin ng pulitika kundi pag-ibig, kabuhayan at kalusugan.

MAR ROXAS
‘Loveless’ na love life

HEART Line – May mga bilog ang Heart Line, ibig sabihin hindi masyadong magiging masaya ang kanyang love life na kinumpirma at pinatunayan ng hindi gaanong nag marka ang Marriage Line. Ibig sabihin hindi ang love life at family ang kanyang priority kundi ang career na inilalarawang ng malinaw na Fate Line sa kaliwang palad, pero hindi gaanong malinaw ang Fate Line sa kanang palad.

Fate Line – Sa kanang palad, huminto ang Fate Line sa gitnang bahagi na nangangahulugang hihinto din ang kanyang career. Ngunit dirediresto naman ang kanyang Fate Line patungong daliring hinlalato (daliring pang-gitna), ngunit dahil ito ay nagkaroon ng Guhit ng Hadlang (ipinapakita ng krokes o hugis krus), ito ay tanda na maraming magiging hadlang bago niya lubusang makamit ang tagumpay.

Mapapansin ding sa dulong bahagi ng Fate Line, sa kaliwang palad ay nagkaroon ng hugis Tatsulok o Triangle na nagpapahiwatig o isang posibilidad ng pagsikat at pagkatapos ay pagkalaos at muling pagsikat.

Katugma nito ang Sun Line na hindi masyadong malinaw pero nakarating parin sa ilalim ng daliring hinliliit – dahil hindi masyadong malinaw ang nasabing Sun Line, hindi rin masyadong malinaw ang kanyang magiging pagkapanalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending