Pinakiusapan ni Kris Aquino ang kanyang co-host sa Kris TV na si Sen. Chiz Escudero na ipagpaalam ang kanyang girlfriend na si Heart Evangelista sa mga bossing ng GMA para payagan itong mag-guest para sa Valentine special ng kanilang morning show.
Magkasabay na magbe-birthday sina Heart at Kris sa Feb. 14.
Sey ni Kris, si Heart na lang daw kasi ang hindi sumasagot sa kanilang invitation kaya sana raw ay mapakiusap ni Chiz si Atty. Felipe Gozon at iba pang executives ng Kapuso network para sabay silang umapir sa Kris TV.
Hindi nag-promise si Chiz pero ita-try daw niya.
Marami naman ang naniniwala na sa kasalan na mauuwi ang relasyong Heart at Chiz, ‘yan ay kung wala na ngang magkokontrabida sa kanilang pag-iibigan.
In fairness, mukhang sanay na sanay na nga si Chiz sa pagiging host ng Kris TV. Hindi na siya tulad ng dati na nakikinig lang sa mga pinagsasasabi ni Tetay, medyo naging madaldal na rin siya ngayon.
Sabi nga ng isang nakausap namin, pagkatapos daw ng May 2013 elections, puwedeng-puwede nang magkaroon ng sariling programa si Sen. Chiz, tulad ng isang talkshow na tatalakay sa mga problema ng mga lalaki sa kasalukuyang panahon.
“Nagpapasalamat ako kay Kris dahil binigyan niya ako ng chance.
Matagal ko na itong gustong gawin.
Enjoy, eh. Walang pressure. Hindi puro mga problema, very light lang kaya masaya,” kuwento ng batang senador.
Pero sagot ni Chiz sa mga nagsasabing pwede na siyang magkaroon ng sariling show, “Parang wala sa pagho-host ang calling ko.
Nasa public service. Pero tingnan din natin.”
Samantala, patok na patok din ang “Gangnam Chiz” na nasa YouTube.
Kasama ang nasabing video sa introduction nang maimbitahan siya sa Rotary event last Jan. 10, “Nagulat ako dahil talagang nag-effort silang gawin ‘yun, hindi madali ‘yun, ha!” reaksiyon pa ng senador na patuloy pa rin daw na nangunguna sa mga isinasagawang survey para sa mga senatorial candidates.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.