Derek hinding-hindi papasukin ang politika: Ayokong ilagay sa peligro ang pamilya ko! | Bandera

Derek hinding-hindi papasukin ang politika: Ayokong ilagay sa peligro ang pamilya ko!

Djan Magbanua, Ervin Santiago - May 05, 2016 - 02:00 AM

 

DEREK RAMSAY

DEREK RAMSAY

MARAMI mang natutunan tungkol sa politika sina Derek Ramsay, Shaina Magdayao and direk Quark Henares habang ginagawa nila ang pelikulang “My Candidate” wala pa rin silang balak tumakbo sa susunod na eleksiyon.

Sa panayam ng Inquirer group kamakailan sa tatlo tungkol sa upcoming romantic comedy na may political angle na showing na sa May 11, nagbigay sila ng kani-kanilang take kung posible bang subukan nila ang public service.

“Ako ngayon pa lang sasabihin ko na hindi talaga. Mas magulo ang mundo ng politics, kasi ang showbiz, magulo pero masaya at makulay, pero ang politika dito sa atin iba ang kaguluhan,” sagot ni Shaina.
Para naman kay Derek, hindi raw niya kakayanin ang maging politiko dahil ayaw niyang malagay sa alanganin ang kanyang buhay pati na ng kanyang pamilya.

“Hindi ako makakatulog. Kasi when you’re in politics, your life is in danger 24/7, right? You can’t please everybody, even though you are trying to help everyone. And I would not put my family in a situation where their lives are always in danger. Ako hindi ako yung tipong naglalakad na may body guard. I can’t live like that,” anang aktor.

Naiintindihan naman ni direk Quark ang pagnanais ng ilang celebrities na sumabak sa politika pero tingin niya hindi rin ito para sa kanya. Naalala pa nga niya na ninais din ng kanyang inang si Vicki Belo na tumakbo noon pero sinabihan niya itong huwag nang ituloy.

Pero sa tingin n’yo ano ang motivation ng ilang artista na sumasabak sa politika? “Siguro gusto nilang makatulong. But for me kasi I can help in other ways and not just by running or by telling anyone I’m helping someone,” sagot ni Shaina.

Tinanong din ang mga bida ng “My Candidate” kung posible bang ma-involve rin sila romantically sa isang politician, sagot ni Derek, “If your question is if you can fall in love with somebody, a politician who wants to help people, maganda yung puso nila – you can look at it that way and it will be easy for you to fall in love with a politician. But then again, at the end of the day, I can’t put my family in that kind of situation.”

“Wala sa pangarap ko yun pero if ever man I would fall in love with a person because of how he is not because he is a whatever,” sagot naman ni Shaina. Speaking of love, five years nang walang dyowa si Shaina, her last pa was John Lloyd Cruz. Sa grand presscon naman ng “My Candidate” last Tuesday, sinabi ng dalaga na waiting lang siya for the right guy.

Aniya, “Showbiz man o hindi, okey lang, basta mabait. And siguro dapat may takot sa Diyos. Wala nang kailangan ganito, kailangan ganyan. Hopefully, siya na yun, kung sino man ang susunod. “Kaya I’m really willing to wait, kasi if he’s worth the wait, why not, di ba? And I know he’s worth the wait. So, let’s just wait,” chika pa ng Kapamilya actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending