TALIWAS sa mga nakaraang paggunita kung saan pingunahan ang mga aktibidad para sa Mayo 1, nagpahinga lamang si Pangulong Aquino sa Araw ng Paggawa.
Ipinagtanggol naman ni Presidential Communications Operations Office(PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma ang desisyon ni Aquino na hindi na makipagdayalogo sa mga grupo ng manggagawa sa pagsasabing pinangunahan na ng Pangulo ang isinagawang jobs fair sa Cebu City noong Miyerkules.
“Focus has always been on purposive, concrete actions and delivery of essential services,” sabi ni Coloma.
Idinagdag pa ni Coloma na nagpalabas na rin ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng komprehensibong ulat kaugnay ng mga nagawa ng gobyerno para sa mga manggagawa.
“Last week, President went to Cebu jobs and career fair — which he also did last year,” ayon pa kay Coloma.
Matatandaang sa nakalipas na mga taon, nakikipagdayalogo si Aquino sa iba’t ibang grupo ng manggagawa.
Wala ring inihayag ang Palasyo na dagdag benepisyo para sa mga manggagawa, bagamat tiniyak ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na magkakaroon ng umento sa sahod para sa Metro Manila, bagamat hindi na maihahabol para sa Araw ng Paggawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.