Sikat na aktor labs na labs pa rin ang ex-GF na singer-actress | Bandera

Sikat na aktor labs na labs pa rin ang ex-GF na singer-actress

Cristy Fermin |April 30,2016
facebook
share this

Sikat na aktor labs na labs pa rin ang ex-GF na singer-actress

Cristy Fermin - April 30, 2016 - 03:00 AM

BLIND ITEM 0430DEADMA lang ang kampo ng isang young singer-actress sa mga ginagawang pamba-bash sa kanya ng isang grupong may makikitid na pang-unawa.

Bash kung bash siya ng mga ito pero na-master na ng young female personality ang Deadmatology 101.
Sobra ang pagka-insecure sa kanya ng tropa, kung anu-anong halusinasyon ang iniisip ng mga ito laban sa kanya, pero nganga pa rin ang mga lukayda dahil walang panahon sa kanila ang magaling na young singer-actress.

Kalma lang, sabi ng girl, dahil wala siyang intensiyong makigulo pa sa buhay ng mga iniidolo ng tropang awayera. Kanila na ang guwapong aktor na pilit nilang isinasabong sa ka-loveteam nito pero parang wala namang interes ang guy sa girl.

Kuwento ng isang source na malapit sa young singer-actress, “Naku, kung alam n’yo lang kung paano siya lait-laitin ng tropang ‘yun! Grabe talaga! Kung makapintas ang mga hitad na ‘yun sa kanya, e, para bang super-ganda naman ang ipinaglalaban nilang girl.

“Insekurida kasi sila dahil alam nilang love pa rin ng guwapong guy ang girl. Meron silang masayang past, di ba? Pero kahit tapos na ang lahat sa kanila, e, maganda pa rin ang samahan nila.
“Friends forever sila, nagkukumustahan sila, nagdadamayan, palagi silang masaya. E, ang guy at girl na pinagrereto ng tropa, kumusta naman sila? Waley!

“Hanggang working team lang naman sila, hanggang sa harap lang ng mga camera, pero pagkatapos nu’n, e, may kani-kanyang buhay na sila!” nakataas ang kilay sa 20th floor na komento ng impormante.
Pahabol pa ng aming source, “Naku naman, Bradly Guevarra, ikaw pa ba na man ang mahuhuli sa panghuhula kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito? Ngayon pa lang, Julie Andrews (read: huli) mo na kung sino ang girl!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending