Anak ni Melanie Marquez hindi pa nakikipagkita kay Lito Lapid | Bandera

Anak ni Melanie Marquez hindi pa nakikipagkita kay Lito Lapid

Julie Bonifacio |April 30,2016
facebook
share this

Anak ni Melanie Marquez hindi pa nakikipagkita kay Lito Lapid

Julie Bonifacio - April 30, 2016 - 03:00 AM

Melanie Marquez at Manuelito Lapid

Melanie Marquez at Manuelito Lapid

FOR the first time ay humarap sa publiko ang panganay na anak ni 1979 Miss International Melanie Marquez na si Manuelito Lapid sa radio program sa DZMM ng TV-radio host at matalik na kaibigan ng beauty queen na si Jobert Sucaldito with Ahwel Paz early this week.

Sakto naman dahil nandoon kami mismo sa loob ng radio booth ng DZMM nu’ng dumating ang mag-inang Melanie at Manuelito. Proud “mama” siyempre pa ang feeling ni Kuya Jobert upon seeing his “baby” after so many years. Tsika niya sa amin, parang kailan lang noong iluwal ni Melanie si Manuelito at kasa-kasama siya ng mag-ina. Ngayon, mas mataas pa raw sa kanya ang bagets.

Naka-base na sa Las Vegas, USA si Manuelito at may regular job. Umuwi lang siya ng Pilipinas for a vacation and on May 2 babalik na siya ulit sa Amerika. Naging kontrobersyal si Manuelito bago pa man siya pumunta ng Amerika. Nandiyan ang walang patid na isyu nila ng kanyang ama na si Lito Lapid.
In fact, pati ang pagpunta sa US ni Manuelito ay nabahiran din ng intriga sa kanila ni Lito na tumatakbo ulit bilang local official sa Pampanga.

“I was the one who petitioned him. Ako ang nag-petition sa kanya, nasa Amerika din ako. ‘Yun lang, may nakialam sa aming relasyon, so napunta siya sa Chicago instead of sa akin siya pupunta. Then after that, he was able to transfer with me din. Sabi ko sa kanya, nag-reconcile kami and finally he understood my situation,” kwento ni Melanie. Imagine, 15 years na pala sa US si Manuelito. Sadyang kay bilis talaga ng panahon.

Naintriga naman kami nu’ng sabihin ni Manuelito na hindi pa raw sila nagkikita ng kanyang ama from the time he arrived sa bansa. Naintindihan naman daw niya ang sitwasyon dahil pareho silang busy ng kanyang ama. But hopefully, bago bumalik ng US si Manuelito ay magkita muna sila ni Lito.
Hindi naman nakakaligtaang bisitahin ni Manuelito si Melanie sa bahay nila ng mister niya na si Adam

Lawyer kahit na inaabot siya ng four hours na pagda-drive just to see his mom. Aliw na aliw kaming pagmasdan ang mag-ina habang iniinterbyu ni Kuya Jobert at papa Ahwel. After ng show ni Kuya Jobert and Papa Ahwel, join pa rin ang mag-ina pagpunta namin sa Laffline. Sobrang na-miss daw kasi nila ang isa’t isa kaya bonding pa more ang ginawa nila that night.

Incidentally, habang nage-enjoy sina Melanie at Manuelito sa panonood sa mga komedyanteng hosts sa Laffline, e, bigla namang dumating si Vice Ganda at ang designer na si Paul Cabral. Kaya hayun, nagkagulo lalo ang mga tao pati na ang mga hosts.

Nagbigay pugay syempre si Vice kay Melanie. ‘Kapag beauty queen ang usapan, hindi pahuhuli ang members of the third sex, ‘no. Kaya knows nila ang mga karangalang ibinigay ni Melanie sa ating bansa bilang beauty queen at international model.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending