Nagsimula na kagabi ang teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw sa Primetime Bida ng ABS-CBN at sure na sure kami na marami ang nabitin sa pilot episode nito.
Ganyan din kasi ang naramdaman namin nu’ng mapanood namin ang ilang episodes ng serye sa first week nito.
Totoo nga ang sinabi ng tatlong bida ng Kailangan Ko’y Ikaw na sina Kris Aquino, Robin Padilla at Anne Curtis na bawat gabi ay talagang bibitinin nila ang mga manonood kaya wala silang choice kundi ang abangan ang mga susunod na tagpo.
Napanood naman namin ang interview ni Kris sa The Buzz na nag-promote ng KKI, tinanong siya ni tito Boy Abunda tungkol sa lovelife, say ng TV host-actress, humingi raw siya ng permiso kina Joshua at Bimby kung pwede siyang magkaroon ng crush.
“Kahit sinasabi ko po na okay na ako na ganito, maligaya kami ng mga anak ko, siyempre naman, at the end of the day, especially when Bimby gets married, I want a partner,” chika ni Kris, sabay hirit ng, “It’s not wrong to wish for that.
Hindi naman masama na mag-pray for a happily ever after.”
Dagdag pang pasabog nito, “To set the record straight, tatlo ang nagpapakilig sa akin. Maganda na tatlo sila. Text-text lang muna! Ha-hahaha!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.