Boobsie ikinasal na sa dyowang tomboy: In fairness, mas masarap kaysa lalaki!
NAGKAROON ng matinding trapik sa bandang Sct. Borromeo sa Kyusi sa rami ng kotse na nagdatingan at naka-park sa labas ng events place na pinagdausan ng birthday ng kilalang TV and radio host at kapwa namin columnist dito sa Bandera na si Kuya Jobert Sucaldito last Saturday.
Maaga pa lang ay napuno na ang venue sa party ni Kuya Jobs na halos lahat ay may kanya-kanyang saksakyan kaya nagkaroon ng matinding trapik.
Maaga pa lang ay nandoon na ang mag-asawang kaibigan pero hindi showbiz ni Kuya Jobert na sina Mr. Henry and Lily Chua, Atty. Ferdie Topciao, Engr. Alex Cruz at si Randy Santiago. Pagkatapos noon ay parang ulan na bumuhos na lang ang mga bisita ni Kuya Jobert.
Isa sa mga bisita sa party ay ang komedyanteng si Boobsie Wonderland. That was also the first time na nakita namin ulit si Boobsie after her wedding with her lesbian lover na si Janet. So, kinumusta namin ang bagong kasal.
“Masarap, mas masarap pa kaysa lalaki,” kasunod ang malakas na tawa niya. Hindi niya kasama that night si Janet dahil medyo hilo pa after ng trip nila sa Dubai.
Nakakatuwa ang mga kwento ni Boobsie sa amin tungkol sa kanyang buhay like 14 years old pa lang pala siya when she went to Japan at maging entertainer.
Dahil maagang nagtrabaho abroad, maaga ring umangat ang buhay. Claim niya, naging isa siya sa pinakamayaman sa Malabon noong dekada ‘80. Pero nawala rin lahat dahil natuto siyang magbisyo.
Kaya promise niya sa sarili, magbi-behave na siya sa mga kinikita niya ngayon at ‘di hahayaang maubos ulit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.