NAGING trahedya ang isang outing ng isang kompanya matapos mahulog ang isang empleyado habang nagse-selfie sa itaas ng waterfalls sa Subic Bay Freeport noong Linggo ng hapon, ayon sa pulisya.
Nahulog si Jaycel Napay, 24, isang electrician ng Asahi Group Trading sa 15-talampakang lalim ng tubig habang nagse-selfie siya at kanyang kapatid na si Frederic sa tuktok ng El Kabayo Falls sa Binictican, Subic ganap na alas-5 ng hapon.
Nawala si Napay nang mahulog sa tubig, ayon sa ulat mula sa Law Enforcement Department (LED) ng Subic Bay Metropolitan Authority.
Pumunta si Napay sa waterfalls, kasama ang 20 iba pang kasamahan.
Tinangka namang hanapin ng mga ka-trabaho si Napay ngunit hindi siya matagpuan sa tubig.
Umabot ng isang oras bago matagpuan ang katawan ni Napay ng isang rescue team na kinabibilangan ng Subic Dispensary at mga professional divers. Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.