Alden super proud sa kapatid na nakatapos na ng college
Super proud si Alden Richards sa kanyang kapatid na si Riza Faulkerson dahil sa wakas ay natapos na rin nito ang kanyang kurso sa college.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Pambansang Bae ang selfie photo nila ni Riza na gumradweyt with a degree in Human Resource Development Management sa Colegio de San Juan de Letran sa Calamba, Laguna. Nilagyan pa niya ito ng caption na: “I’m proud of you.”
Inamin kamakailan ni Alden sa isang interview na talagang suportado niya ang kapatid sa pag-aaral nito at totoo rin na protective brother siya kay Riza. Sabi nga ng dalaga, “As a kuya, hindi naman sa ayaw na paligawan, pero lagi niya sinasabi sa akin na magtapos muna ng pag-aaral bago pumasok sa mga ganu’n na commitment.”
Sey naman ni Alden para sa kanyang pamilya ang ginagawa niyang pagsasakripisyo, “They’re my priority for now. Makita ko lang silang okay, walang sakit, living their lives.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.