Puso, isip kailangan sa pagboto ng pangulo | Bandera

Puso, isip kailangan sa pagboto ng pangulo

Arlyn Dela Cruz - April 05, 2016 - 03:00 AM

ISANG dating kasama sa industriya ng media na pumasok sa mundo ng pulitika ang nagtanong sa akin na: “Grace Poe ka ba?”, nang minsan niyang madinig ang komentaryo ko sa radyo.
Tingin niya ay hindi pabor ang komentaryo ko sa kanyang kaalyadong si Jejomar Binay.
May isa namang dating boss sa isang network ang nagsabing tahasan sa akin na “Binay ka pala”, nang madinig naman niya ang komentaryo ko na sa tingin naman niya ay kontra ako kay Mar Roxas.
Sa isang Facebook post na tungkol naman sa nangyari sa mga magsasaka sa North Cotabato, may isang nagtanong sa akin kung si Rodrigo Duterte ba raw ang presidente ko?
As broadcasters, our opinions carry weight that may sometimes be seen or perceived as pro or against a certain candidate when in truth and in fact, what were stated were simply facts and just parts of what we call as open record.
Minsan, puwede itong tingnan na endorsement din ng isang partikular na kandidato. But yes, by this time, most of us already knew who we are going to vote for come May 9.
Sa pagboto ko sa Mayo, ang pagiging Pilipino ko ang iiral at hindi ang aking pagiging bahagi ng media. Ang pagkakaiba nga lang, marahil sa tulad kong nasa media, itong mga kandidatong ito, kilala na, kabisado na kung sino ang epal, madrama, maingay o produkto lamang ng pakete ng mga campaign advisers at spin masters.
Yes, I have long decided who I will vote for president.
Sa mga tunay na nakikinig sa komentaryo ko, malinaw na ang pangulong pipilin ko sa halalan ay ang pangulo na kulekat sa surveys, yung may sakit, yung sabi pa ng iba ay panggulo lamang at yung hindi mananalo.
Eh, bakit siya kung hindi naman pala mananalo?
Simple ang sagot ko, mahalaga sa akin na maiboto ko ang udyok ng puso ko at hindi dikta ng survey o perception ng winnability o yung may assurance of political machinery. At ito ang mananatili kong sagot sa kung sino ang iboboto kong pangulo–kung ano ang pasya ng puso ko.
Puso dahil personal na desisyon ang pagboto. Pusong may konsultasyon din sa isip. Ang totoo, ang puso at isip ay hindi magkahiwalay, magkatuwang yan, tandem sa bawat desisyon.
Hindi lahat ng gusto ng mayorya batay sa survey ang siyang karapat-dapat ba pangulo. Surveys are tools, sometimes it’s even designed to persuade and manipulate.
Ang mahalaga sa akin, sa dulo, talo man ang pinili kong kandidato, naisakatuparan ko ang tungkulin ko bilang Pilipino ayon na rin sa sa karapatang ginagarantiyahan ng Saligang Batas.
Ang panalo, ang botong binitiwan ng may kalayaan ng puso’t isipan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending