Kantang pinasikat ni Lea buhay na buhay pa rin | Bandera

Kantang pinasikat ni Lea buhay na buhay pa rin

Ervin Santiago - March 30, 2016 - 02:00 AM

lea salonga

Halos dalawamput-walong taon na ang nakalilipas mula nang pasikatin ng Pinay international singer na si Lea Salonga ang awiting pumukaw sa puso ng maraming Pilipino. Noong 1988, ang “Tagumpay Nating Lahat,” isinulat ng award-winning composer na si Gary Granada, ay repleksiyon ng pag-asa at diwang makabayang umiral noon, matapos lumaya ang bansa mula sa kuko ng diktadurya.
Nitong mga nagdaang linggo, tila baga isang pagbabalik-tanaw ang naganap nang muling sumahimpapawid sa telebisyon ang nasabing awitin na tampok sa pinakabagong patalastas ng kumpanya na Emperador, Inc.

“Ang ‘Tagumpay Nating Lahat’ ay salamin ng pag-asa, sipag at tagumpay ng buong bansa. Ito ang natatanging mensaheng nais naming ipabatid sa aming mga tagatangkilik,” pahayag ni Winston Co, Presidente ng Emperador.

Kaugnay sa layunin ng kumpanya na mapalawak ang operasyon nito sa pandaigdigang merkado, kamakailan ay matagumpay na binili ng Emperador ang Fundador Pedro Domecq, ang pinakamalaki at pinakamatandang brandy sa Espanya.

Bukod dito, binili rin ng Emperador ang Terry Centenario, Tres Cepas at Harvey’s, ilan sa mga nangungunang liquor brands sa Espanya, Equitorial Guinea, UK at US. Ang “Tagumpay Nating Lahat” TV ad ng Emperador ay lumabas na sa iba’t ibang local channels.

Pinagbibidahan ito ng isang batang entrepreneur na nagpaplano ng isang proyektong pabahay. Ipinapakita din sa 45-second TV ad ang pagsasalarawan ng makabagong bayanihan, na kung saan ang mga tao ay tinutulungan ang bida na mabuo at matapos ang kanyang plano.

Ang video ay nagtapos sa isang selebrasyon ng tagumpay at pagsasalu-salo ng mga Pinoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending