Swerte ba sa negosyong kainan?
Sulat mula kay Aleng ng Legaspi St., Ilawod, Roxas City
Dear Sir Greenfield,
May nakuhang malaking halaga ng pera ang mister ko ng mag-resign siya sa trabaho at balak naming magnegosyo. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung bagay ba sa aming mag-asawa ang ang negosyong karenderya o tindahan ng mga pagkain o kaya’y tipong isang maliit na restaurant. Ang mister ko naman ang gusto nya ay magtayo daw kami ng grocery o kumuha ng puwesto sa palengke at bigas daw ang isa sa mga magandang produkto. Bagay din kaya sa amin ang ganoong negosyo? Kung hindi bagay sa amin ang karenderya o grocery ano naman ang mare-rekomenda nyo para kami ay umunlad at yumaman? February 14, 1972 ang birthday ng mister ko at October 23, 1979 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Aleng ng Roxas City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Business Line (Illustration 1-1 arrow 2.) at Career Line (1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa larangan ng pagnenegosyo malaki ang tsansa na suwertehin ka, umunlad at yumaman, higit lalo sa sandaling natutunan mo ang tama, ang sakto at ang angkop sa inyong produkto.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Six of Diamonds at Seven of Hearts (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa pagtutulungan nyong mag-asawa, tiyak ang magaganap – uunlad at sasagana ang inyong buhay sa larangan ng negosyo at pangangalakal at ang pag-unlad na ito ay nakatakdang magsimula sa taon ding ito ng 2016 hanggang 2017.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.