Kung nanatili si Sen. Grace Poe sa America baka hindi nagulo ang bansa.
Binabatikos ngayon ng sambayanan ang Korte Suprema, na ginagalang noon dahil diumano’y sa pagiging last bastion of democracy, dahil sa desisyon nito na si Poe ay natural born Filipino at may residency requirement kaya’t puwede siyang tumakbo.
Ang desisyon ay pag-uusapan ng maraming taon ng mga abogado at maging ng ibang mga professionals.
Dahil sa ruling nito sa citizenship ni Poe, ang mga diyos sa Padre Faura ay binabanatan ngayon ng mga abogado sa kauna-unahang pagkakataon.
“Ginawa ninyong basura yung pagiging Pilipino,” ani Atty. Bruce Rivera, prefect of student affairs sa San Beda College of Law.
Ang comment ni Rivera sa Facebook ay umani ng 1,291,289 ng video posts (as of 3 p.m. yesterday while this column was being written).
Parami pa nang parami ang mga posts.
Parang sinabi ni Rivera na yung mga mahistrado ng Supreme Court na nagdesisyon pabor kay Poe ay mga “sangkatutak na bobo.”
Yan ang description ng inyong lingkod sa mga justices na nagdesisyon maraming taon na ang nakararaan na legal ang pag-search ng mga pulis sa kotse sa checkpoints.
Maraming nagalit kasi sa high court sa desisyon nito sa checkpoint, at kasama na ako dahil palaging nasi-search ang aking kotse sa mga checkpoints noon.
Ihanda ni Rivera ang kanyang sarili sa severe reprimand—baka pa nga ma-disbar siya o kaya masuspinde sa pagpraktis ng law—ng Korte Suprema dahil sa kanyang pagbatikos gaya ng ginawa nito sa akin noon.
Pero kung gagawin yan ng Mataas na Hukuman, mas lalong magagalit ang taumbayan sa kanila.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bi-natikos ng buong sambayanan ang Supreme Court.
Kung si Grace Poe ay may kaunting hiya sa sa-rili, baka maisipan niyang umatras sa presidential race dahil nagigipit ang Supreme Court dahil sa kanya.
Nagulo ang Korte Suprema dahil sa kanya.
Kung hindi siya umuwi sa Pinas galing ng Tate baka hindi nabawasan ang tiwala ng taumbayan sa Supreme Court.
Iniwan niya ang Pilipinas at naging US citizen siya at kinupkop niya itong muli dahil sa garbo.
Naging chair kasi siya ng Movie Television Review Classification Board (MTRCB) kaya’t bumalik siya sa pagiging Pilipino.
Sa MTRCB, palaging absent ang chain-smoker na si Poe dahil sa matin-ding hangover.
Walang karanasan si Poe sa pagpapatakbo o governance.
Ang kanyang qualification ay ang pagiging anak niya sa isang ama na tanyag, Fernando Poe Jr. o FPJ.
Kahit na nga barangay chairman hindi siya dumaan.
Ibinoto siya bilang No. 1 senator dahil sa tanyag niyang pangalan.
Kung hindi Poe ang kanyang pangalan, iboboto kaya siya bilang senador?
Hindi pa nga umiinit ang kanyang upuan sa Senado, gusto na niyang maupo sa Malakanyang.
Sa murang edad na 47, ang kasakiman ni Poe sa kapangyarihan ay walang kapantay.
Kapag siya’y nahalal, siya’y 53 anyos sa kanyang pagbaba bilang Pangulo.
Pagkatapos sa Malakanyang, saan siya patungo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.