Kiray nang-isnab daw ng fan sa palengke, ayaw makipag-selfie
KIRAY Celis isnabera na?
When she had a palengke tour daw ay merong gustong magpa-selfie with Kiray but the dimunitive starlet chose to snob the fan.
Siyempre pa, kumalat sa social media ang pang-iisnab ni Kiray sa fan na gusto lang namang magpa-selfie. Ang feeling ng marami, behaving like a big star na raw itong si Kiray nang kumita ang “Love Is Blind” na hindi lang naman siya ang bida kundi sina Solenn Heussaff at Derek Ramsay rin.
Kung true na carry na ni Kiray na mag-inarte at mang-isnab ng fan, aba, parang lumaki na ang ulo nito.
Just because you made a movie that was a box office success does not make you a star already, Kiray.
Actually, may nabasa na rin kaming chika about Kiray snobbing another fan sa isang mall. Dinedma rin daw nito ang isang fan na gustong magpa-picture sa kanya dahil nagmamadali na siyang pumasok sa sinehan para manood ng movie nila ni Derek.
Oh well, wag kang malunod sa isang basong tubig, girl!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.