Wala akong 2 US social security numbers—Poe
ITINANGGI ng kampo ni Sen. Grace Poe ang ulat na mayroon siyang dalawang US Social Security numbers (SSN), ang isa ay pag-aari ng isang patay na nasa kanyang pangalan.
“The news article that came out in the Tribune today stating that Sen. Poe had two social security numbers during her stay in the US is another mutation of the ongoing black propaganda attacks being thrown her way. The details of the news article [are] without basis and absurd,” sabi ng tagapagsalita ni Poe na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.
Lumabas sa pahayagang Daily Tribune na may dalawa umanong SSN si Poe, kabilang na ang SSN 538-25-2008 at SSN 005-03-1988. Inisyu umano ang huling SSN sa pagitan ng 1934 hanggang 1951 o bago pa ipanganak si Poe noong 1968.
Ayon pa sa ulat, pag-aari ng isang patay na tao ang SSN 005-03-1988.
Itinanggi naman ni Gatchalian ang ulat sa pagsasabing ang SSN ay ang student identification number ni Poe na 005-003-1988 na inisyu nang siya ay estudyante pa ng Boston College sa Chestnut Hill, Massachusetts.
“The student ID number was issued to her by Boston College during her stint as a student there —in fact, that number corresponds to her enrollment date into the college,” dagdag ni Gatchalian.
Idinagdag ni Gatchalian na walang dahilan para kumuha si Poe ng pekeng social security number.
“The people deserve better, our people deserve to hear advocacies rather than barefaced lies,” giit ni Gatchalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.