‘Carrot Man’ tumigil sa pag-aaral para buhayin ang pamilya; pasadong artista | Bandera

‘Carrot Man’ tumigil sa pag-aaral para buhayin ang pamilya; pasadong artista

Ervin Santiago |February 28,2016
facebook
share this

‘Carrot Man’ tumigil sa pag-aaral para buhayin ang pamilya; pasadong artista

Ervin Santiago - February 28, 2016 - 02:00 AM

carrot man

Instant star na nga ang tinaguriang “Carrot Man” na si Jeyrick Sigmaton ng Mountain Province matapos mag-viral sa social media ang kanyang litrato habang may buhat-buhat na carrots.

Sa report ng ABS-CBN nagpasalamat ang 21 taong gulang na binata sa lahat ng mga taong nagbigay ng magagandang komento tungkol sa kanya kahit sa picture lang siya nakita. Nabatid na panganay na anak si Jeyrick at meron siyang anim na kapatid.

Napilitan daw itong tumigil sa pag-aaral para makatulong sa kanyang pamilya. Ayon sa tatay ng binata na si Melvin, tanging si Jeyrick lang ang tumutulong sa kanya para masuportahan ang kanyang mga kapatid.

Pangarap din daw ng binata na makatapos ng pag-aaral kapag nabigyan ng pagkakataon. Kung matatandaan, kumalat sa social media ang litrato ni Jeyrick matapos itong ipost ng bakeshop owner na si Edwina Bandong sa Facebook.

Marami sa mga nakakita nito ay nagsabing malaki ang pagkakahawig niya sa Korean superstar na si Lee Min Ho at kay Hero Angeles. Ngayong gabi tutukan ang isang espesyal na panayam ng Kapuso Mo Jessica Soho kay Jeyrick at kung paano nabago ang kanyang pang-araw-araw na buhay nang dahil sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending