Bongbong inupakan ni PNoy; Panahon ni Marcos di ‘golden age’
HINDI nagpaliguy-ligoy si Pangulong Aquino sa pagbanat sa bangungot na iniwan ng martial law at sa anak ng napatalsik na pangulo, na si Bongbong Marcos na ngayon ay tumatakbo sa pangalawang pangulo.
Sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng Edsa People Power Revolution na dinaluhan ng mga kaalyado ni Aquino, mga biktima ng martial law at mga nakiisa sa pag-aalsa noong 1986, mainit ding binatikos ni Aquino ang mga pinalulutang na pahayag na mas naging maganda ang takbo ng bansa noong panahon ng administrasyong Marcos sa ilalim ng martial law.
“Golden age nga siguro noon para sa crony ni Marcos at mga dikit sa kanya,” pahayag ni Aquino nang isa-isahin niya ang mga kapalpakan ng rehimeng Marcos.
May isang punto sa kanyang talumpati, walang ginawa ang pangulo kundi banatan ang senador na ngayon ay nangunguna sa mga survey sa pangalawang pangulo kasama ang matindi nitong kalaban na si Senador Francis Escudero.
Anya maituturing na “golden age” ang panahon ni Marcos para sa mga taong walang ginawa kundi abusuhin ang mga Muslim.
Ikinonek pa ito ni Aquino dahil sa ginawa umanong pagharang ng nakakabatang Marcos sa kanyang isinusulong na Bangsamoro Basic Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.