Studes na ginawang mop ang bandera, sinipa ng UE
PINATALSIK ng University of the East ang mga estudyanteng ginamit bilang basahan ang bandera ng Pilipinas na kinunan pa ng video at in-upload sa social media sites.
Sa isang liham, sinabi ng UE na naging “unanimous” ang mga miyembro ng Board of Trustees na aprubahan ang “dismissal” ng mga hindi kinilalang estudyante.
Ayon kay Dr. Ester Albano Garcia, President and Chief Academic Officer, matindi ang nagjng paglabag ng mga estudyante na taliwas sa itinuturo ng unibersidad sa kanilang mga mag-aaral.
Titiyakin din aniya ng unibersidad na tatalima ang lahat ng kanilang mag-aaral at mga empleyado sa pagbibigay-galang sa watawat ng Pilipinas.
Matataandaan na nag-trending sa social media ang video ng isang estudyante na ginagamit bilang basahan ang bandera ng Pilipinas sa loob ng classroom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.