Pilotong Pinoy mabenta sa foreign airline | Bandera

Pilotong Pinoy mabenta sa foreign airline

Susan K - February 12, 2016 - 03:00 AM

HINDI matatawaran ang galing ng mga pilotong Pinoy saan man sa mundo. Patuloy pa rin silang hinahangad ng mga foreign airlines gaya ng maraming pagkagusto ng mga foreign principal ng barko para sa ating mga Pinoy seafarers.

Pinoy man at dayuhan, madalas na positibo ang obserbasyon ng mga pasaherong sumasakay ng eroplano kapag Pinoy ang kanilang piloto.

Komento nila, maingat at maaasahan, at “swabe” kapag lumalanding ang kanilang mga eroplano.
Isang kilalang Filipino businessman ang nagsabing mas kampante ‘anya siya at tiwala sa kaniyang mga international flights sa dayuhang airline kapag nalamang Pinoy ang kanilang piloto.

Pero ano nga ba ang katangi-tangi sa mga Pilipinong piloto? Anong klaseng training ang kanilang pinagdaanan kung bakit kapansin-pansin ang kanilang galing at kakayahan maging sa ibayong dagat?

Paano sila inihahanda ng mga flying schools sa Pilipinas para sumabak sa mundo ng aviation?

Kaya naman pormal naming inanyayahan sa Bantay OCW ang dalawang kilalang personalidad at moog mula sa industriyang ito.

Tuwing Huwebes sa Bantay OCW sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM, mula alas-11 ng umaga, tutulungan tayo ng mga katuwang nating piloto na pasukin at alamin ang daigdig ng aviation sa pamamagitan ng paghahatid sa atin ng mas malalalim at kapaki-pakinabang na mga impormasyon hinggil sa flying.

Kasama natin sina Capt. Ernesto Villa, pangulo at CEO ng Masters Flying School at B/Gen. Edgardo Mendoza, pangulo ng Leading Edge International Aviation Academy.

Ayon kina Villa at Mendoza, patuloy pa rin ang interes at pagkuha sa mga Filipino pilots sa ibayong dagat, kung kaya’t malaki ang hamon sa kanilang hanay na tugunan ang patuloy na pangangailangan din naman sa pagbibigay kasanayan sa ating mga future pilots upang magkaroon sila ng sapat na kakayahan na sumabak sa kakaibang mundong ito ng aviation.

Maaaring kumuha ng mga kursong Private Pilot Ground and Flight course, Commercial Pilot Ground and Flight Course, Instrument rating, Flight simulator at iba pang kurso sa Masters Flying School. Ang kanilang telepono ay 851.7042.

Sa Leading Edge Aviation Academy naman, hindi lang pagiging piloto ang puwedeng kunin, kundi maging ang kursong Aircraft Maintenance Technician, kung saan napakarami ding pangangailangan sa mga trabahong ito, at marami pang iba. Maaaring tumawag sa 0917.832.7134.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending