Tila hindi matatapos ang comparison kina Jessica Sanchez and Charice.
Iniintriga ang pananahimik ni Charice ngayon.
Wala pa kasing balita kung ano ang kanyang mga project next year samantalang si Jessica naman ay nakatakdang mag-concert sa bansa next year.
Isang Valentine kasama ang American Idol finalist na si Colton Dixon na kanyang special guest ang handog ni Jessica sa Feb.14 next year sa Araneta Coliseum.
Ngayon, tila curious ang ilan kung ano naman ang pasabog ni Charice sa susunod na taon.
Wala pa kasing balita kung anu-ano ang mga gagawin niyang project.
Teka, manood kaya si Charice ng Valentine concert ni Jessica?
If she does, matigil na kaya ang intrigang insecure siya sa American Idol runner-up?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.