Stell: Sa mata naman po ng nanay ko, ako 'yong pinakamagaling

Stell ng SB19: Sa mata naman po ng nanay ko, ako ‘yong pinakamagaling

Therese Arceo - July 04, 2024 - 10:08 PM

Stell ng SB19: Sa mata ng nanay ko, ako rin po ang pinakamagaling

NAGLABAS ng pahayag ang isa sa mga miyembro ng SB19 na si Stell Ajero tungkol sa naging komento ng ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco sa kanyang naging “All By Myself” performance sa nagdaang concert ni David Foster.

Matatandaang kamakailan ay nagbigay ng komento si Raquel kung saan ikinumpara niya ang performance ng binata sa performance noon ng anak niya na si Charice pa ang pagkakakilanlan noon.

Personal kasing nakapanayam ng talent manager na si Ogie Diaz si Stell habang nasa Amerika ito para sa concert nila ng Kapamilya singer na si Erik Santos.

Dito ay nausisa siya kung ano ang kanyang masasabi hinngil sa viral na pagkukumpara ni Raquel sa kanyang anak pagdating sa biritan.

Baka Bet Mo: SB19 Stell sa bagong image: Bolder, more mature, sexier!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“For me naman po, ewan ko po sa mga Pinoy pero hindi po nila maiwasang magkumpara. Sa totoo lang po, bawat isang artist may kani-kaniya naman po ‘yang galing, something special to offer,” panimula ni Stell.

Pagpapatuloy niya, “And ‘yong pagkukumpara, parang dapat alisin na po natin sa isip natin ‘yon kasi si Charice, si Charice na po ‘yon. Nagawa niya na po ‘yon, nakapag-iwan na po siya ng mark, at kung ano po ‘yong ginawa ko, ‘yon naman po ‘yong sarili kong interpretasyon.”

Natanong rin ni Ogie si Stell kung naniniwala ba ito sa sinabi ni Raquel na lodi raw niya ang SB19 at bilib raw ito sa galing ni Stell.

“Siyempre nanay po siya, siyempre para sa mga mata ng nanay, anak nila ‘yong pinakamagaling. Pero hindi ko naman po siya masisisi doon po sa nasabi niyang salita, kasi sa kaniya po ‘yon eh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Opinyon niya po. wala naman akong magagawa ro’n. Sa mata naman po ng nanay ko, ako ‘yong pinakamagaling,” hirit pa ni Stell.

Sinabi rin nito na wala siyang sama ng loob o hinanakit sa mga naging pahayag ni Mommy Raquel.

Wala pa namang inilalabas na sagot o reaksyon si Raquel tungkol sa pahayag ni Stell.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending