Kaso vs kaalyado ni PNoy nabasura | Bandera

Kaso vs kaalyado ni PNoy nabasura

Leifbilly Begas - January 27, 2016 - 04:47 PM

nerus acosta
Ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang kasong perjury na kinakaharap ni dating Bukidnon congressman at ngayon ay general manager ng Laguna Lake Development Authority na si Neric Acosta at kanyang ina na si Socorro.
Pinagbigyan ng korte ang demurrer to evidence na inihain ng mag-ina dahil sa kakulangan umano ng ebidensya na iniharap ng prosekusyon.
“Verily, there lies an insufficiency of evidence to sustain the charges filed against the accused,” saad ng desisyon.
Sinampahan ng perjury ng Office of the Ombudsman ang mag-inang Acosta kaugnay ng paglalaan ng P5.5 milyong pork barrel fund ng dating kongresista sa kooperatiba ng mga magsasaka na Bukidnon Vegetable Producers’ Cooperative.
Ang naturang kooperatiba ay pinatatakbo ng kanyang mga kamag-anak at pinangungunahan ng kanyang ina noong 2012.
Mayroon pang kinakaharap na kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mag-ina sa Sandiganbayan Fourth Division kaugnay ng kaparehong alegasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending