Sinuportahan ang mga komedyante at hosts na sina Jose Manalo at Wally Bayola ng mga sikat na artista at kaibigan nila sa showbiz sa premiere ng kanilang pelikula na “D’ Kilabots” na showing na ngayon sa mga sinehan.
Kabilang sa bigating stars na sumuporta sa dalawa ang Bossing ng Bayan na si Vic Sotto kasama pa ang kanyang girlfriend na si Pauleen Luna.
Sa premiere night, ‘di na tumanggi pa si Vic sa relasyon nila ni Pauleen.
In-explain niya na mas mabuti na lang daw na tahimik ang lovelife niya ngayon.
Diretsahan ding inamin ni Vic na masaya ang personal na buhay niya ngayon.
At this point, mukhang tanggap na tanggap na rin ng mga anak ni Vic ang relasyon niya kay Pauleen.
Mukhang wa epek din ang mga naglabasang isyu sa pagtutol daw ng anak ni Vic na si Oyo Sotto sa relasyon ng ama kay Pauleen.
At least, happy na sila ngayon kung saan masaya ang tatay nila. Kaya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.