Papalarin ba sa negosyong tindahan? (2)
Sulat mula kay Babylyn ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Problema:
1. May ipapahiram na puhunan sa akin ang ate ko na nasa Japan, sabi kasi nya sa akin ay mag-negosyo daw ako para umunlad ang buhay namin at hindi na kami asa ng asa na lang sa kanila. Kaya sa ngayon ay binabalak kong magtayo ng tindahan sa harap ng aming bahay.
2. Itatanong ko lang kung bagay at suwerte po ba sa akin ang negosyong tindahan. September 23, 1987 po ang birthday ko. Magki-click kaya ang naisip kong negosyong ito, at mapapalago ko ba ito upang hindi na kami laging umaasa na lang sa ate ko na nasa Japan?
Umaasa,
Babylyn ng Gen San City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong nasa pagitan ng Virgo at Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing suwerte ka sa mga taong may zodiac sign na Taurus, Aquarius at Capricorn. Sila ang dapat mong makatuwang o makatulong sa tindahan na iyong itatayo. At kung ang kapatid mong nasa Japan ay isang Taurus, Aquarius o Capricorn, sigurado ang magaganap kung sasabihin mo sa kanya na tulungan kang makapag-Japan, darating ang saktong panahong makapagdya-Japan ka at sa nasabing bansa mas mabilis kang aasenso at uunlad.
Numerology:
Ang birth date mong 23 ay nagsasabi dalawang bagay lang ang magpapaunlad at magpapasayaman sa iyo, kundi pag-nenegosyo, walang habas o walang tigil na pangingibang bansa. Kaya kung hindi mo pa nasusubukang mag-abroad, malaki ang posibilidad na sa ibayong bansa ka uunlad at yayaman.
Luscher Color Test:
Anuman ang piliin mong gawin, ang mag-abroad o mag-negosyo ng tindahan, ugaliin at lagi kang gumamit ng kulay na pula, upang ang magandang kapalaran at suwerte ay lagi ng manahan sa iyong buhay.
Huling payo at paalalala:
Babylyn ayon sa iyong kapalaran, para magtagumpay ka sa negosyong tindahan na binabalak mong itayo, imbis na sa inyo lang lugar, sa bayan o poblacion ka kumuha ng puwesto sa lugar kung saan maraming tao. Habang kung makukumbinse mo naman ang ate mo na tulungang kang makapag-Japan, yon ang mas maganda mong gawin upang magkaroon ka ng sariling income, at sariling puhunan. Sa ganyang paraan, hindi ka aasa sa puhunan ng ate mo sa halip ay pipiliin mong magsikap na magtrabaho sa Japan, sa ganoong paraan mas madali kang uunlad at yayaman na nakatakdang maganap at mangyari sa taong 2019 sa edad mong 32 pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.