BINOE nabaliw noon kay MONIQUE WILSON, huli na nang malamang tibo | Bandera

BINOE nabaliw noon kay MONIQUE WILSON, huli na nang malamang tibo

- November 26, 2012 - 04:35 PM

Walang kaalam-alam na babae rin ang type maging dyowa

TRIVIA lang, ako dati ang in-assign ng Backroom bilang production assistant ni Monique Wilson when she was still being managed by kuya Boy Abunda.

That was in the early 90s – fresh pa ng kaunti sa era ng “Miss Saigon”, remember? Monique was Lea Salonga’s alternate as Kim sa Miss Saigon before if I’m not mistaken.

Anyway, I was so proud of my job as production assistant for Backroom.

Ang saya-saya namin that time. Everywhere Monique goes ay kasama ako. Hindi sa abroad ha, sa local trips lang namin. Marami akong di makakalimutang karanasan with Monique – pero isa lang ang masasabi ko, mabait ang batang iyan.

Noon pa man ay alam na naming lesbiyana si Monique pero hindi isyu sa amin iyon.

Unang-una, mga baklita kami kaya we were singing same tunes.

Kumbaga, no big deal kung tongril man siya, pero ang projection namin sa mga tao ay babaeng-babae siya.

She looks more feminine kasi than being T-Bird.

Di mo talaga mahahalata ang kanyang pagiging gay kasi nga she’s every inch a lady.

Isang nakakatawang trivia ko about her ay nu’ng gumawa siya ng movie with Robin Padilla.

Kasikatan pa ni Binoe that time.

Nag-shoot kami out of town – as in, ilang araw kami sa gubat na location for the shoot.

Niligawan siya ni Binoe, at doon ko nalaman na grabe talaga manligaw si Binoe.

Pag nalaman ni Robin na may guesting halimbawa si Monique sa isang five-star hotel, ang gagawin niya ay magtsi-check-in siya doon with his alalays at tatagpuin si Monique.

There was one shooting night na talagang kinarga ni Robin si Monique from her room to his – pero obviously ay wala namang nangyari.

Hindi kasi alam ni Binoe na tomboyita si Monique.

Pero mukhang nahulog din ng konti ang loob ni Monique sa kanya pero alam ko, hindi siya natsuktsak ni Robin.

Kasi nga – malakas ang depensa ni Monique dahil mhin din siya, di va? Ha-hahaha!

At ang height, nagpalagay ng tattoo ng helicopter si Binoe sa paa niya – yung simbolo ng Miss Saigon dahil sa love niya kay Monique.

I may say na sa lahat siguro ng mga naging girlfriend ni Robin, si Monique lang ang hindi niya natienes. Ha-hahaha!

We have so much respect for Monique Wilson – if Lea Salonga sings better you think than Monique, Monique naman is far better as an actress than Lea.

Kaya may kanya-kanya talaga silang strengths as individual artists.

Nakakatuwa ang mga panahong iyon – naalala ko lang. Kasi nga, recently, nag-out na si Monique – inamin na niyang she’s gay and in full support with LGBT – gay group na magaganda ang advocacy.

Though I haven’t seen Monique for a long time, fresh pa rin sa akin ang sweetness niya.

Hinding-hindi ko siya makakalimutan – napaka-generous at may sarili ring loka-lokahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Just like anyone of us. I miss you, Monique baby. Hope to see you one of these days. Mwah!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending