‘Haunted Mansion’ nina Janella at Marlo nasa top 3 ng 2015 MMFF
Rumatsada agad sa takilya nu’ng opening day ng MMFF 2015 ang Regal Entertaiment entry na “Haunted Mansion.” Mahigit P10 million ang hinamig nito sa box-office kaya naman pasok ito sa Top 3 entries na dinagdasa ng manonood ngayon sa mga sinehan.
Dehado ang dating ng “HM” nang i-announce na isa ito sa walong napiling entries. Wala pa kasing pruweba sa takilya ang lead teen stars na sina Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce.
Pero naniniwala ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa kakayahan nilang magdala ng pelikula at hindi sila nagkamali sa pagsusugal na bigyan ng break sa big screen ang tatlo sa promising stars ngayon.
Of course, pinili ng mag-ina ang premyadong director na si Jun Lana na siyang magdirek ng horror movie. Panalo ang pagkakagawa ni Lana ng pelikula kaya naman. Matindi ang hatid na takot ng movie, kaya naman palakpakan ang manonood after ng screening!
Kitang-kita rin naman kasing ginastusan ng Regal ang “HM.” Mabagsik din ang krebidilidad ng istorya nito kaya naman tunay an screamfest ang maririnig sa loob ng bawat sinehan!
Bilang mensahe ni Mother Lily sa buhos na suporta ng publiko sa “Haunted Mansion,” heto ang kanyang pahayag, “ Thank you for supporting Regal and I am very happy to gross P10M plus.
Me and Roselle plus the whole team try our very best to make this picture successful and conside-ring our cast of stars who are all new but we try to make this new stars fulfill their goals in life.”
Sa lakas sa takilya ng “HM,” mula sa 48 cinemas at ilan sa probinsiya, nadagdagan na ito simula nu’ng third day ng MMFF. Isinalang na rin ang horror movie sa mga sinehan ng SM Tarlac, Baguio, Sta. Rosa, Lucena, Batangas, Waltermart Tanauan, Sta.Lucia, Robinson’s Iloilo, Dasmarinas at Bacolod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.