Makapag-aasawa pa ba? | Bandera

Makapag-aasawa pa ba?

Joseph Greenfield - December 28, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Loran ng La Paz, Naga, Zamboanga Sibugay Province
Dear Sir Greenfield,

Mula nang nakatapos ng college ay madalang na ang nanliligaw sa akin. Isang beses lang ako nagka-boyfriend at ito ay noong first year college pa ako, pero hindi seryoso at hindi na rin nasundan ng iba pang mga manliligaw. Sa ngayon ay umabot na ako sa edad na 36 at natatakot akong tumandang dalaga at hindi na ako makapag-asawa pa. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa? Kung makapag-aasawa, kailan kaya ito magaganap at sino kaya ang lala-king mapapangasawa ko at makakasama habang buhay? April 1, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Lorna ng Naga, Zamboanga Sibugay, Province
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat napa-dulo o medyo late na ng tumubo kinakitaan pa rin naman ng mahaba at makapal na Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) ang iyong palad. Ibig sabihin, kahit 36 ka na sa ngayon at kahit abutin pa ng 38, tiyak ang magaganap, makapag-aasawa ka pa rin at magkakaroon ng isang masaya at okey na pamilya.

Cartomancy:
Seven of Hearts, Queen of Herats at King of Spades ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mas bata sa iyo ang lalaking iyong mapapangasawa at siya ay nakatakda mong makilala, sa susunod na taong 2016, sa panahong iyon magiging boyfriend mo siya upang pagsapit ng taong 2017 tuluyan ka ng makapag-asawa at habang buhay na lumigaya.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending