NAPAKALUPIT naman nitong si Margie Juico, dating chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)!
Itinaboy ni Juico ang 200 batang cancer patients sa compound ng dating Quezon Institute sa Quezon City . Ang compound ay pag-aari na ng PCSO.
Ang mga batang cancer patients ay nakatira sa isang lumang gusali sa loob ng PCSO compound.
Ang proyekto na bigyang tirahan ang mga cancer patients, na ang pinakabata ay 2-taong gulang, ay isinagawa ng prominent beautician na si Ricky Reyes.
Nakakuha ng suporta si Reyes sa mga kaibigan niya sa Arroyo administration kaya’t ibinigay sa kanya ang isang lumang building sa loob ng PCSO compound.
Pero nang maupo si P-Noy at ginawa niyang PCSO chairman si Juico, itinaboy ni Juico ang mga batang cancer patients.
Si Juico ay dating appointments secretary ni Pangulong Cory, ina ni Pangulong Noynoy.
Akala ko ay si P-Noynoy mismo ang nag-utos na paalisin ang mga cancer patients, pero nang ako’y nagtanong-tanong napag-alaman ko na si Juico lang ang may kagagawan at walang utos sa Pangulo.
Ang totoo niyan, sabi ng aking mga sources sa PCSO, nagalit daw si P-Noy kay Margie.
***
Ang tanong: Bakit hindi pinabalik ni P-Noynoy ang mga batang cancer patients sa gusali kung saan sila naninirahan?
Kung may paggagamitan PCSO ng gusali, bakit hindi iniutos ni P-Noynoy na sila’y mai-relocate sa ibang lugar?
Hindi lang dapat nagalit ang Pangulo sa ginawang yun ni Juico; dapat ay gumawa siya ng paraan na matulungan ang mga batang may malubhang karamdaman.
Ang hidwaan ni Reyes at Juico dahil sa pagpapaalis ng mga batang pasyente sa gusali sa loob ng PCSO compound ay tiyak na nakarating sa Pangulo dahil ito’y laman ng mga balita.
Wala talagang malasakit si P-Noynoy sa mga may sakit at mahihirap.
Palibhasa’y ipina-nganak siya na mayaman.
***
Kinailangan pang magkaroon ng isang philanthropist sa katauhan ni Hans Sy, na miyembo ng mga angkan ng pamilya Sy na may-ari ng lahat ng SM malls, upang maisakatuparan ang proyekto ni Reyes na mabigyan ng tirahan ang mga pobreng kabataan.
Kaya naman pala pinagpapala ang pamilya ni Henry Sy na siyang nagpatayo ng mga malls.
Pinagpapala ng Maykapal ang mga taong may ginintuang puso.
***
Ilang metro sa Malakanyang ay isang ospital para sa mga matatanda na ipinatayo ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo.
Ang geriatric hospital ay may mga modernong kasangkapan at mga doktor na dalubhasa.
Pero nang maupo si P-Noynoy natigil ang pagpopondo sa ospital.
Bakit muhing-muhi ang Pangulo sa kanyang pinalitan na si Gloria na kahit mga noble projects ng nakaraang administrasyon ay kanynag pinatitigil?
Bakit hindi niya ma-patawad kung ano mang pagkakasala ang nagawa ni Gloria sa kanyang pa-milya, kung meron man?
Minana ni P-Noynoy ang pagiging benggatibo ng kanyang ina.
Ang hindi natin maintindihan ay relihiyosa pa naman si Cory pero di siya marunong magpatawad.
***
Binabatikos si Davao City Mayor Rody Duterte sa kanyang pag-amin na siya ay may dalawang asawa at dalawang girlfriends.
Sinong gugustuhin ninyo, isang opisyal na umamin na siya’y babaero o yung maraming asawa at kabit pero tinatago niya?
Baka magtataka kayo kung ilang government officials na may mga querida.
Baka ma-shock kayo kung malaman ninyo na isang mataas na opisyal ay isang sex pervert: uutusan niya ang isa sa kanyang mga bodyguards na makipag-sex sa isang babaeng bayaran habang siya’y nanonood; at pagkatapos ng bodyguard ay siya naman ang hahalili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.