Poe ikinatuwa ang pagbasura ng SET sa kanyang disqualification
IKINATUWA ni Sen. Grace Poe ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na nagbabasura sa petisyon na inihain ni Rizalito David na kumukuwestiyon sa kanyang citizenship.
Sinabi ng tagapagsalita ni Poe na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na nagpapatunay lamang ito na isang natural born Filipino si Poe.
“Sen. Poe is grateful to the SET members for continuing to uphold the rights of foundlings,” sabi ni Gatchalian.
Samantala, umaasa naman si Gatchalian na mababasura rin ang mga petisyon sa Commission on Elections (Comelec) na kumukuwestiyon sa citizenship at residency ni Poe.
“In the coming days, we hope and pray that the Comelec (Commission on Elections) does the same and upholds the rights foundlings,” dagdag ni Gatchalian.
Nauna nang idineklara ng Comelec second division na hindi maaaring tumakbo si Poe matapos namang paboran ang petisyon na inihain ng abogadong si Estrella Elamparo.
Inaasahan namang maghahain ng apela ang kampo ni Poe kaugnay ng desisyon ng Comelec.
Bukod sa petisyon na inihain ni Elamparo, tatlo pang petisyon ang dinidinig ng Comelec kaugnay ng isyu ng citizenship at residency ni Poe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.