True ba, Kris isinuot sa nakaraang APEC ang nakumpiskang kuwintas ni Imelda?
HINDI namin alam kung aware si Kris Aquino sa paninira sa kanya ng isang Facebook fan page account.
Pinaratangan kasi si Kris sa BBM Loyalist and PNOY Supporters Facebook fan page na isi-nuot daw nito ang necklace noong APEC Summit na dating pag-aari ni Imelda Marcos.
Naka-post doon ang photo ni Kris while wearing a necklace habang katabi naman nito ang sinasabing Imelda necklace habang sinusuri ng isang expert.
“LET’S LOOK CLOSE UP AT #IMELDAMARCOS NECKLACE THAT SUPPOSED TO BE AT PCGG’S CARE PERO SUOT SUOT NI #KRISAQUINO NOONG APEC.” ‘Yan ang nakalagay na title sa photo.
But upon scrutiny, malayo naman ang disenyo ng necklace na suot ni Kris sa sinasabing kuwintas dati ni Imelda. Maging ang cut ay magkaiba. Agad-agad namang umarya ang fans ni Kris.
According to one follower, “Di naman magkapareho yung kay Mrs. Marcos may mga batong pula sa pagitan ng bawat mga bato at kulay pula yung kay kris wala naman!”
“Gawa gawa lang di namn eh nagkataon lang na medyo magkaparehas ng design pero sa hugis ng bato magkaibang magkaiba at yung mga tanga naman hinusgahan agad si Kris pinabago daw sa hongkong ni cory eh ilang taon na si cory eh last week pinakita yan sa tv kasi chinicheck na nila ang halaga ng mga alahas.
“Tao walang magawa kundi manira ng walang tamang batayan at itong mga di nag iisip konting post na wala naman batayan humusga dn. Di masama mag analyze kung talaga totoo.”
“Hindi naman talaga magkaparehas at isa pa makakabili naman siguro ang isang Kris Aquino nang alahas na ganyan…wag masyadong judgemental po.”
“Wag poh manghusga…ang laki ng pgkakaiba…mayaman c Kris kya nyng bilhn kht anu pang mamahalin n alahas n gus2hn nia.”
“Di naman magkapareho yung kay Mrs. Marcos may mga batong pula sa pagitan ng bawat mga bato at kulay pula yung kay kris wala naman!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.