Paulo lagot sa mga fans nina James at Nadine | Bandera

Paulo lagot sa mga fans nina James at Nadine

Ervin Santiago |November 23,2015
facebook
share this

Paulo lagot sa mga fans nina James at Nadine

Ervin Santiago - November 23, 2015 - 02:00 AM

paulo avelino

Maging biktima rin kaya na matin-ding pamba-bash si Paulo Avelino kapag nagsimula na siyang umapir sa Primetime Bida seryeng On The Wings Of Love tulad ng nangyari kay Ysabel Ortega, ang anak ni Sen. Lito Lapid sa dating aktres na si Michelle Ortega?

Si Ysabel ang bagong babaeng mali-link kay James Reid bilang si Clark sa OTWOL habang si Paulo naman ang gaganap na Sir Simon, ang magiging boss ni Nadine Lustre bilang si Leah na eventually ay magkakagusto sa dalaga.

Sa isang Instagram post, nakita namin ang litrato ni Paulo habang nasa taping ng OTWOL. May caption itong, “Clark, maghanda ka na. Siya na ang katapat mo. Meet Leah’s new boss. Sir Simon.”

Dahil nga sa pagsulpot nina Ysabel at Paulo sa eksena, tiyak na mas marami pang magiging twist ang kuwento ng OTWOL, at asahan na ang matinding selosan sa pagitan nina Clark at Leah ngayong may mga third party nang involved sa kanilang rela-syon.

Kung matatandaan, mismong si Ysabel Ortega ang nagsabi na marami ang namba-bash sa kanya dahil sa pagpasok niya sa OTWOL bilang si Angela, “Sinasabihan po ako ng iba na, ‘Hoy, malandi ka! Umalis ka diyan sa OTWOL, huwag mong landiin si Clark! Leah lang forever! Aabangan ka namin sa labas!’
“Mga ganoon po, siyempre po yung character lang naman po yung bina-bash nila,” aniya pa.

Ganito rin kaya ang mangyari kay Paulo once na magsimula na siyang mapanood sa serye ng JaDine? Well, mukhang dedma lang naman sa mga ganyan si Paulo kaya sigurado kaming walang masyadong epek sa kanya ang gagawing pamba-bash ng JaDine fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending