Bashers galit pa rin kay Kris: Nakakaawa naman pala siya!
NAG-APOLOGIZE na si Kris Aquino sa kanyang insensitive joke tungkol sa pagkakaroon niya ng sunburn kaya quits na sila ng mga naapektuhan sa APEC Summit.
“I humbly apologize for my failed attempt at self-depracating humor Thursday night that came across as being spoiled and insensitive. In the future I will leave the joking to Vice Ganda. PROMISE.”
‘Yan ang apology ni Kris sa kanyang social media account. A few days ago, Kris posted a photo of her showing her sunburn with this caption:
“About to sleep, Bimb took this picture – decided to post this so we can all have a good laugh tonight sa karma ng kaartehan ko na SUNBURN ako nang bongga – nabilad in Fort Santiago at the peak of the just before noon heat…You’ll love the sense of humor of my sister Viel, baka daw my entire back nag ka lace patterned sunburn.
“Si Bimb naman said the shape of the sunburn is like the Batman mask from the Michael Keaton era…Quits na tayo sa lahat ng nahirapan mag commute these past few days, patas ang mundo, patche patche naman ang balat ko.#LaughterIsTheBestMedicine (I drank Paracetamol kasi parang lalagnatin ako sa init ng balat ko, any sunburn suggestions?) GOOD NIGHT.”
Batikos na kaliwa’t kanan ang inabot ng Queen of Talk mula sa naperwisyo ng APEC Summit. “Hiyang hiya naman kay Kris yung nga naglakad ng ilang gabi na pagod galing sa trabaho, mas napagod pa dahil sa sinapit nilang paglalakad dahil walang masakyan.”
“Totoong quits lang pag nakita natin syang maglakad maski galing EDSA Ayala lang hanggang Bicutan! Sya na din nagsabi diba, ’kaartehan’ nya? Nakakaawa naman pala sya dahil nagka sunburn sya.
Grabe yung problema nya ano? Huhubels.” “Well, let’s remind her na those who had their Alay Lakad during the summit were doing it not out of ’kaartehan’, but for SURVIVAL!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.