Claudine bibida sa bagong teleserye ng TV5
MUKHANG hindi sa ABS-CBN gagawa ng teleserye si Claudine Barretto. Ang balita namin nakatakdang makipag-meeting ang aktres sa darating na Lunes sa mga executives ng TV5.
Yes bossing Ervin, may seryeng gagawin si Claudine sa TV5 na produced ng Viva TV. Hindi ba’t si boss Vic del Rosario na ang content provider ng nasabing TV network? At dahil ang Viva ang manager ni Claudine kaya siguro siya ang napiling magbida para sa bagong proyektong ito ng Singko.
Nabanggit din sa amin na kinukuhang leading man si Derek Ramsay para sa pagbabalik-serye ni Claudine pero parang hindi pa napapa-oo ang aktor dahil may mga projects pa itong nakapila.
Kaya problemado raw ngayon ang Viva kung sino ang pwedeng ipareha kay Claudine dahil pawang mga bagets daw ang nakakontratang aktor ngayon sa TV5. Hindi kaya mag-import sila ng kilalang leading man mula sa ibang TV network?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.