Bagong SK law pirma na lang ni PNoy ang kulang | Bandera

Bagong SK law pirma na lang ni PNoy ang kulang

Leifbilly Begas - November 12, 2015 - 02:13 PM

pnoy1
Niratipika na ng Kongreso ang panukala na magpapatupad ng reporma sa Sangguniang Kabataan at magbabawal sa mga anak ng pulitiko na tumakbo.
Ayon kay Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, inaprubahan na ang Kamara de Representantes ang bicameral conference committee report ng panukala. Mas nauna naman itong niratipika ng Senado.
“Real reforms in the SK are now in sight,” ani Bag-ao. “It is important to instill in them the value of financial responsibility, along with the independence that this proposed law grants them. Moreover, it contains an anti-dynasty provision that provides more chances to more young people to participate on a level playing field.”
Magiging batas ang panukala kapag napirmahan na ni Pangulong Aquino.
Sa ilalim ng panukala ang mga kalahok sa SK elections ay ang mga edad 15-30.
Ang mga maaari namang maging opisyal ng SK ay dapat residente ng barangay ng hindi bababa sa isang taon kung saan siya tatakbo, 18-24 taong gulang sa araw ng halalan at marunong magbasa at sumulat.
Bawal namang tumakbo ang mga may kamag-anak na elected official hanggang 2nd civil degree of consanguinity o affinity at hindi pa pinal na nahahatulan sa mga krimen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending