Bea sa relasyon nila ni Zanjoe: May mga problema pero walang hiwalayan Bandera

Bea sa relasyon nila ni Zanjoe: May mga problema pero walang hiwalayan

Ervin Santiago |November 12,2015
share this

Bea sa relasyon nila ni Zanjoe: May mga problema pero walang hiwalayan

Ervin Santiago - November 12, 2015 - 02:00 AM

bea alonzo

MAGDYOWA pa rin sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Ito ang pinagdiinan ng Kapamilya actress nang muling matanong ng entertainment media tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend.

Sa contract signing at presscon ng bagong endorsement ni Bea, ang Fuji Film camera, sinabi ng aktres na maayos naman ang pagsasama nila ni Zanjoe at wala namang nangyaring hiwalayan.

“Ano ba ang alam niyong isyu? Wala naman kayong alam,” natatawang biro ni Bea sa mga reporter.
Actually, iwas na iwas si Bea na pag-usapan ang kanyang private life, lalo na ang tungkol sa kanyang lovelife.

Nauna na nga niyang inamin na totoong may pinagdaanan sila noon ni Zanjoe pero naayos na naman daw ito. Natural lang naman daw sa isang relasyon ang magkaproblema. “Siyempre, lahat naman tayo may pinagdadaanan na ganu’n.

Hindi naman talaga perpekto Siguro hindi niyo na mahal ang isa’t isa kung hindi kayo nase-shake or wala kayong pinagdadaanan. That’s not a relationship. “A relationship is full of misunderstandings and love.

Mahal niyo ang isa’t isa kung may pakialam kayo sa isa’t isa,” ang chika pa ni Bea. Samantala, kinuha ng Fuji Film si Bea bilang bagong celebrity endorser para sa iba’t ibang uri ng kanilang camera dahil sa hilig nito sa photography.

In fairness isa si Bea sa mga sikat na local actress na adik pagpipiktyur lalo na sa selfie. Very obvious yan sa pagiging active niya sa kanyang Instagram account.

Kaya nga nu’ng i-offer daw kay Bea ang nasabing endorsement ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa dahil swak na swak daw sa lifestyle niya ang mga Fuji Film mirrorless camera, lalo na ang X-A2, na pwedeng-pwede niyang magamit sa pagta-travel na gustung-gusto nilang gawin ni Zanjoe.

“Perfect siya sa selfies, landscapes, macro shots, lowlight party shots. O, di ba, pwede rin pala ako sa photography. At ang pinakagusto kong quality nito, meron siyang portrait enhancer or selfie mode which brings out your best physical features,” sey pa ni bea.

Balak din daw niyang gamitin ito sa pag-alis nila ni John Lloyd Cruz patungong ibang bansa kung saan naka-schedule ang mga special screening ng kanilang reunion movie na “A Second Chance”, ang part 2 ng “One More Chance” under Star Cinema.

Ayon kay Bea excited na rin siyang mapanood ang kabuuan ng pelikula tulad ng fans nila ni Lloydie na atat nang makita uli sa big screen sina Popoy at Basha, ang mga karakter nila sa movie na mag-asawa na nga ngayon sa kuwento.

“Hindi ko in-expect talaga na magkakaroon pa ng part 2. Kasi noong ginagawa namin yun eight years ago, gusto lang namin magkuwento ng istorya. Ngayon, nag-level up na.

“Pinag-uusapan na namin dito ang pag-aasawa, pinag-uusapan na namin ang marital problems. Kasama namin dito ang mga nanood ng ‘One More Chance’ sa journey nina Popoy at Basha,” ani Bea.

Dagdag pa ng aktres, “Ibang-iba na sila rito. Marami nang isinakripisyo si Basha, marami na siyang natutunan in the past sa mga pagkakamali niya.

Of course, ang buhay, hindi naman mawawalan ng problema.This is a story that will show love can conquer all the differences.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending