Angelica Duterte pa rin sa 2016: Feeling ko siya lang talaga!
Malaki ang naitulong ng Banana Split para mas maging confident si Angelica Panganiban. “Naging confident ako sa sarili ko, sa mga ginagawa ko kasi parang dati mahiyain ako.
Noong nag-Banana ako ay inilabas niya ‘yung pagkabaliw ko, ‘yung pagiging masayahin ko. Ang laking bagay niya sa akin,” say ni Angelica sa presscon ng Banana Sundae na ipalalabas tuwing Sunday na sa mas maagang timeslot.
Sobrang na-enjoy na ni Angelica ang show kaya, “Kahit na gaano ako ka-busy sa Pangako Sa ‘Yo, kahit na wala akong tulog kasi everyday kami nagte-taping pero ‘yung taping ng Banana Split ay ang laking tulong niya sa akin.
Para akong nare-recharge kahit na wala akong tulog kasi siguro nga kasi magaan ang ginagawa n’yo tapos parang pamilya kayo.” Hindi naman natatakot si Angelica na mag-suffer ang rating nila dahil nasa bago itong timeslot.
“Well, I don’t think naman na may gagawin ang management na sa tingin nila ay hindi namin kaya, ‘di ba? Kumbaga, ang laking tiwala ‘yung ibinigay sa amin. ‘Yun ang dapat kapitan namin, ‘tingnan mo ‘yung mga boss natin ganito ang tingin sa atin.
‘Wag nating maliitin ang mga sarili natin. Maniwala tayo na kaya natin,” say niya. Si Angelica na lang ang natitira sa original cast ng gag show pero sinabi niyang choice ng kanyang dating kasamahan ang pagkawala nila sa show.
“Si Roxanne (Guinoo) noon parang mas gusto niya tahimik lang muna, ‘di ba nag-baby siya, nagpakasal. Si Valerie (Concepcion) ganoon din. Kumbaga, iba-iba lang ang na-explore.
“Kaya lang, ako noon ay wala naman akong gustong i-explore, hindi naman ako nag-asawa. Talagang tadhana lang siya na maiwan ako. Ako naman masaya. Hindi ko sinasabi na….parang ang yabang ko naman, ‘di ba? Katulad ni Mamang (Pokwang), ‘di ba bumalik siya.
Hindi namin mararating ‘tong seven years na to kung hindi dahil sa mga nagsimula o sumama sa amin.”
Meanwhile, Angelica stood firm sa kanyang desisyon na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang suportahan sa presidential race sa 2016 kahit wala pang kasiguruhan ang pagtakbo nito.
She was asked again kung bakit naniniwala siya kay Duterte, “Feeling ko, kailangan natin ng isang taong magpapatigil ng kalokohan ng mga…wala na kasi tayong disiplina, e. And ako, aminado ako na wala rin akong disiplina.
“Parang siyempre, di ba, nakikita mo na yung iba, beating the red light? So, gagawin ko rin, ganu’n yung nangyayari sa atin, so kailangan na nating ayusin.
Ako talaga, kapag naging presidente, kapag may nag-jaywalking, may sharpshooter na (nakaabang) babaril, bang! “O, wala nang tatawid ngayon. Di ba, kasi ang tumawid, nakakamatay? O, tinotoo ko lang!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.