Piolo inaabutan ng pera si Yul pag kapos sa budget bilang politiko | Bandera

Piolo inaabutan ng pera si Yul pag kapos sa budget bilang politiko

Reggee Bonoan - November 02, 2015 - 02:00 AM

piolo pascual

HINDI itinanggi ni Yul Servo, na kakandidato bilang kongresista sa ikatlong distrito ng Maynila sa 2016, na hindi niya maiwan ang showbiz dahil ito raw ang pampawala ng stress niya at dagdag kita na rin.

Napakaliit daw kasi ng suweldo niya bilang Konsehal kaya kaila-ngan niya ng back-up para sa mga proyekto niya sa distrito. Ani Yul, “hindi po maiiwasang hindi mag-abono.”

Tinanong namin ang aktor kung anong klaseng public servant siya at kung may mga nag-aalok ba sa kanya ng go-vernment project na kikita rin siya.

“Ay taas noo ko pong sasabihin na wala po, hindi ako tumatanggap kasi ayokong magkaroon ng pabor. Ang ginagawa ko kapag may mga ganyan, sinabi ko na gagawin ko kung ano ang tama at naiintindihan naman po nila,” mabilis na sabi ng aktor-politiko.

Wala namang nagagalit kay Yul sa pagtanggi niya dahil dito nagsisimula ‘yung tinata-niman ng isyu tulad ng pangu-ngurakot maski wala naman.

“So far wala naman pong nagagalit kasi ginagawa ko lang po kung ano ‘yung alam kong tama. At saka lahat ng projects ko, pinapa-approve ko muna, iniikot ko para alam po ng lahat at wala silang masasabi na may anomalya,” paliwanag ng aktor.

Humanga rin kami kay Yul dahil wala kaming nakitang security o bodyguard nu’ng humarap siya sa ilang miyembro ng entertainment press, pawang mga kabataan ang kasama niya.

“Ah, mga staff ko po sila, actually, wala talaga akong bodyguard, kapag naglilibot ako sa distrito namin, isang babae at lalaki lang kasama ko, para maglista o kasama kong mag-inform. Siguro sa kampanya, baka doon ako magdalawa ng security, pero kung hindi rin lang naman kaila-ngan, wala po talaga,” paliwanag aktor-politiko na bago su-mabak sa congressional race sa 3rd district ng Maynila ay nakatatlong term na rin bilang councilor.

Samantala, nabanggit ni Yul na ang kaibigan niyang si Piolo Pascual pala ang unang may gustong magpolitika, pero naging busy na sa showbiz kaya hindi na natuloy. At ang bilin daw ni Piolo kay Yul, “Wag kang mangungurakot brother ha?”

“Kaya nu’ng ako na ang pumasok, nangako naman siya na tutulungan ako, actually, sa lahat ng projects ko kapag kapos ako, si Piolo ang nagbibigay, tumutulong. Sa tatlong termino ko sa konsehal, siya ang tumutulong sa akin in terms of budget,” kuwento ni Yul.

At sa kandidatura niya ngayong 2016, “Sabi niya (Piolo), pupuntahan niya raw ako sa kampanya, sabi ko, sabi ko naman, ‘wag na brother, tulu-ngan mo na lang ako sa ano (budget),” naniningkit ang mga matang sabi ni Yul.

Ikinuwento rin nito na ninong daw si Piolo ng tatlong anak niya, “Bongga nga yun kung magregalo pag Pasko, eh.” Apat na pala ang anak ni Yul at iisa lang ang nanay kaya naman natanong namin kung bakit hindi pa siya nagpapakasal at bakit hindi napagkikita ang mag-iina niya.

“’Yung kasal po, pinaghahandaan ko pa, pero siya (nanay ng mga anak) na po talaga, emotionally ready naman na ako, naghahanda palang.” “Choice po kasi nila iyon (umiwas sa limelight), nu’ng unang tumakbo ako bilang konsehal, iyon ang hiniling nila, ang pribado nilang buhay, ayaw nilang nakikita sila kaya nga po hiwalay kami ng tirahan.”

Isa pang kaibigang matalik ni Yul na tumutulong din sa kanya ay si Baron Geisler. Bilib na bilib si Yul kay Baron, “Ang galing nu’n (na artista), isa ‘yan sa idol ko. Maski ano, (role) kaya niyang gawin,” sabi sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakatrabaho na ni Yul si Coco Martin sa indie films kaya tinanong namin kung sino ang mas magaling umarte sa kanila ni Baron. Medyo nag-isip ng ilang segundo si Yul, “Si Baron po, ang galing kasi, kakainin ka niya (sa pag-arte) lahat kaya niyang gawin, kaya kailangan, ‘pag kaeksena mo siya, galingan mo rin.”

E, sa kanilang dalawa ni Coco, sinong mas magaling? Napangiti muna si Yul sabay sabing, “Pareho lang po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending