Mismong mga nag-operang doktor na ang nagsabi at nagpatunay
Ikatlong operasyon na ang pagdadaanan ni Alyssa Alano ngayong Miyerkoles.
Ang aming kaibigan-anak-anakang si Dr. Dennis Sta. Ana ang nag-aalaga sa naaksidenteng segment host, pagkatapos ng kanyang ikatlong operasyon ay maaari na siyang umuwi at sa bahay na lang muna magpahinga, ayon pa sa kanyang doktor.
Puring-puri si Alyssa ng kanyang doktor at mga nurses sa Marikina Valley Medical Center, dahil nu’ng mismong oras na duguan na ang kanyang katawan sanhi ng pagkakaaksidente ay hindi ang kanyang sarili ang inuna ng aktres, kundi ang mga sakay ng kotseng nabangga niya nang suyurin niya ang railings ng MMDA.
Kuwento ni Dr. Dennis Sta. Ana, “Nakakahanga siya dahil instead na ang sarili niya ang unahin niya dahil meron ngang tumusok na mahabang bakal sa katawan niya, e, una muna niyang inintindi ang mga sakay ng nabangga niyang kotse.
“Ayaw niyang magpaopera hanggang hindi niya nalalaman na maayos na ang mga hinahanap niya, nu’ng malaman niyang nagamot na at maaayos naman, saka lang siya nagpaopera.
Mabait siya,” papuri ng doktor sa kanyang pasyente.Isang mahabang bakal ang pumasok sa kanang bahagi ng katawan ni Alyssa, lumusot ‘yun sa kabila, maraming salamat na lang dahil walang tinamaang laman-loob niya ang naturang bakal.
“Napakasuwerte niya dahil literal siyang na-barbecue, pero lumusot ‘yun sa laman niya, kaya walang kahit anong internal organ niyang tinamaan.
Ikatlong operation na niya itong sa Wednesday, hopefully after nito, sa bahay na siya magpapagaling,” detalye pa ni Dr. Dennis Sta. Ana.
Nilinaw rin ng mga doktor at nurses ng MVMC na walang katotohanan ang lumabas na kuwentong lasing si Alyssa nang maganap ang aksidente, lalong hindi siya nakadroga, aksidente talaga ang nangyari dahil nasilaw siya sa pagmamaneho.
“Wala, wala akong naamoy habang inooperahan ko siya.
I would know kung nakainom ang pasyente, napakalapit ng distansiya namin, hindi totoo ‘yun,” pagdidiin pa ni Dr. Dennis Sta. Ana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.